Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Tuesday, March 19

Ang silya, inuupuan. Hindi sinusunog.


Naiintindihan ko kung bakit sila nagpo-protesta. Naiintindihan ko ang kanilang ipinaglalaban. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinailangan pang ihagis at sunugin ng mga estudyante ang ilang upuan, lamesa, at kung anu-ano pang bagay na galing sa kanilang silid-aralan. Bakit hindi na lang nila silaban ang mga bagay na pagmamay-ari nila?

Pera ng taumbayan ang ipinambili sa mga bagay na sinunog nila. Buwis ng mga mamamayang umaasang magagamit sa tama ang salaping kinaltas sa kanilang kita. Marapat lamang na ito'y gamitin nang angkop at pangalagaan ng sinumang dito ay nakikinabang. Ang silya, inuupuan. Hindi sinusunog.

http://forum.philboxing.com/
Ang daming estudyante sa buong bansa ang nahihirapang mag-aral dahil sa kakulangan ng materyales at pasilidad ng pampublikong eskuwelahan. Pagkatapos ganyan pa ang mababalitaan natin? Nakakasama ng loob. Sana naisip muna ito ng mga estudyanteng sangkot bago nila pinaghahagis at sunugin ang mga upuan at iba pang bagay sa PUP.

: (

No comments: