Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, July 29

Dapat nanalo si Dan

Ngayon lang ulit ako nanood ng "The Voice of the Philippines" dahil nalaman kong sa wakas ay natapos na ang pagkahaba-habang Blind Auditions. 7 weeks. Wow. Daming pera from sponsors nun.

The title card of The Voice of the Philippines: The Battles
Pagbukas ko ng TV, bumungad agad ang opening prod nina Charice, Yeng Constantino, at... sino nga ba 'yung isa? Anyway, nagsayang lang sila ng oras kasi pwede pa sana magdagdag ng isa o dalawa pang Battle pairs sa Night 1. Apat na pares lang kasi ang nag-perform at mas marami pa akong napanood na commercials kaysa sa mismong programa kagabi. Saka sa Live Shows pa dapat lumitaw 'yang mga ganyang prod. Nagmukhang ASAP tuloy.

'Yung unang pares mula sa Team Apl, parang wala lang. Pagdating naman sa Team Bamboo, maraming nadismaya nang piliin ni Bamboo si Lee Grane as Battle winner kahit malinaw na si Dan ang nanalo. Panoorin mo ulit:


Maski si Lee Grane, alam na talo siya. Hindi ko lang alam kung bakit siya pa rin ang pinili ni Bamboo. Kung ang kanyang "gut feel, artistry, faith" lang ang basehan sa pagpili niya ng Battle winner, ano pang silbi ng Battle Round? Pero wala na rin naman tayong magagawa. Congratulations to Dan. Na-mafia ka lang.

Moving on, maganda ang naging laban ng pares mula Team Sarah. Nasabi ko nga kagabi na "'Yan ang battle!"


Pero pagkatapos ng laban nila, ako'y nalungkot kasi walang Steal o Save para sa natalo. Siguro next season pa (kung may next season pa). Paasa lang 'yung buttons at "I WANT YOU" (himala, may ilaw na) sa Voltes V Chairs. Sana tinanggal na lang nila.

At syempre, ang bago kong paborito: si Mitoy!


Sana tumagal siya sa Team Lea at umabot hanggang sa Finals. Mabuhay ang "The Face"!

Tuloy ang Battles next week at sana dagdagan naman nila, 'wag lang 4 pairs/trios. Napansin ko nga pala sa next week's episode teaser na nagpalit ng outfit ang coaches. Hahaha! Naapektuhan sa negative comments. Sa pagkakaalam ko, 2 days lang sila nag-taping at kung sa mga susunod pang episodes ay nagpalit ulit sila ng damit, sigurado na akong naapektuhan sila sa mga natanggap na puna during the Blind Auditions.

Isa pa pala, napansin ko lang after each battle, sinasabi ni Toni sa battle winners na pasok na sila sa next round, not specifically sa Live Shows. Does that mean there will be a Knockouts/Showdowns to cut the number of contestants by half before the Live Shows begin? O umaasa na naman ako sa wala tulad ng pag-asa kong may Steal?

: )

Wednesday, July 10

The Voice PH Battle Rounds Set

Updated: 7/11/2013

Naglabas ng ilang litrato ang The Voice of the Philippines Facebook page ng mga kuha mula sa taping ng Battle Rounds. Noong Martes, lumabas ang dalawang ito:

#‎VoicePH‬ Update: Coach Bamboo ready for battle! | facebook.com/TheVoiceABSCBN
#‎VoicePH‬ Battle Round set sneak peek. | facebook.com/TheVoiceABSCBN 

Ang liit ng stage pero hindi na masama. Wala naman tayong magagawa, hindi ba? Kumpara sa Blind Auditions, malaking improvement na ito (Clap clap sa production design team). Pero ang talagang nagustuhan ko dito ay sa wakas, nakita ko na ang live band! Hindi ko kasi nakita 'yung banda sa Blind Auditions kaya akala ko'y recorded ang music ng mga nag-audition.

Para naman sa mga nagtataka kung bakit parang boxing ring ang stage, ganyan talaga 'yan. Mixed martial arts ang laban eh. At uto-uto ka kung naniwala ka naman. Ganito ang siste: Bawat coach ay pipili ng dalawa o tatlong artists sa kanyang team para magkasamang kumanta ng iisang kanta. Tutulungan at gagabayan naman sila ng kanilang coach at kasama nitong mentor bago tuluyang makipagbuno sa boxing ring. Pagkatapos ng performance, pipili ang kanilang coach ng battle winner at pasok na siya sa next round. At base sa litratong nasa ibaba, mukhang may pag-asa pa ang matatalong artist.

The Ultimate Multimedia Star @CelestineGonzaga for The ‪#‎VoicePH‬ Battles. Abangan. | facebook.com/TheVoiceABSCBN 

Pagkatapos mong tingnan si Toni, tingin ka naman sa background. Makikitang may buttons pa rin ang Big Red Voltes V Chairs. Dalawa lang ang ibig sabihin nito:
  1. May Steal/Save at posible ring may Knockouts ang Philippine version o kaya nama'y
  2. Nakalimutan lang tanggalin.

#‎VoicePH‬ Battle Rounds Day 2 today. Good luck, artists! Let the battle begin! | facebook.com/TheVoiceABSCBN 

Mapapansin naman sa kuhang ito na katabi ng coaches ang kanilang mentors. Nakilala ko agad si Gerard Salonga for Coach Lea at si Gary V. naman for Coach Sarah. Hindi ko naman makilala 'yung kay Bamboo at kay Apl... Nasan kay Apl?!

Sa Australian version, kasama rin ang mentors pero nakaupo sila sa likuran ng coaches. Pwede munang kausapin ng coach ang mentor bago mag-decide ng battle winner. Sa US and UK versions naman, sa rehearsals lang lumilitaw ang mentors. Dahil dito, naisipan kong maghanap sa YouTube ng Battle Rounds video clips ng orihinal na The Voice of Holland at ito ang aking nakita:


Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng maliit na set pati ang mentors sa tabi ng coaches. Maliit din siguro ang studio nila doon. Ngayon alam ko na kung bakit parang may sariling mundo ang production team ng The Voice of the Philippines. Akala ko dahil nagtitipid sila ng budget. 'Yun pala, mas pinili nilang gayahin ang set ng original version kaysa mas kilalang US at UK versions. Well, good luck na lang sa pagtitipid nila.

 Coach @MsLeaSalonga ready for the 2nd day of Battle Rounds. ‪#‎VoicePH‬ | facebook.com/TheVoiceABSCBN

Ayon sa isang tweet ni Ms. Lea Salonga, sa July 28 daw magsisimula ang airing ng Battle Rounds. Wow, ang tagal. At base sa napakaraming episodes ng Blind Auditions, tingin ko'y isang buwan din itong eere. Baka sa September pa ang Live Shows at tatanghalin ng Guinness ang The Voice of the Philippines bilang may pinakamaraming episodes ng The Voice sa buong mundo.

Matagal pa ang July 28. Matagal pa akong maghihintay. Nawalan na kasi ako ng interes sa first episode pa lang ng Blind Auditions kaya hindi ko na rin pinanood ang mga sumunod na episodes. Sana lang ay hindi masayang ang aking matagal na paghihintay. At sana, nag-Rexona si Apl para he won't let me down.

: )