Noong nasa Elementary at High School pa kaming magkakapatid, madalas biktima kami ng lintik na rule na yan tuwing sasapit ang exam week. Hindi na nga kailangan pang sabihin ng teacher na hindi ako makakapag-exam dahil alam kong hindi pa nakakabayad si Mami noong mga panahong iyon. Minsan sa Guidance Office na ako nagte-take ng exam, kung saan hino-hold ang mga test paper until ma-settle ang account. Kasabay ko ditong mag-exam ang ilan pang casualties ng malupit na batas.
Mapalad akong nakapag-aral sa isang pribadong paaralan. Pero kasabay nito ang dagdag pasakit sa aking magulang na mas mataas na bayaring pang-matrikula. Anim kaming magkakapatid. Milyong piso na ata ang na-invest (read: nagasta) ni Mami sa pag-aaral namin. Ngunit hindi ito naging madali. Minsan, late nakakapagbayad ng matrikula si Mami. Minsan nga summer na nya nase-settle ang mga account namin e. Kaya naman palagi kaming natatamaan ng patakaran ng eskwelahan. Pero paano kami nakakapag-exam (kahit late)? Ang sagot ay nasa mahiwagang PROMISORY NOTE.
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan bakit kailangan pa ang ganitong patakaran sa mga paaralan. Akala ba nila madaling kumita ng pera? Hindi ba nila alam na hindi naman napupulot ang pera sa daan? May mga panahon naman na nakakaluwag ang mga magulang e. At may mga panahon rin na butas ang bulsa nila Tatay at Nanay. Mahirap bang intindihin yun?
Kung tutuusin, babayaran rin naman talaga ng mga magulang ang matrikula ng kanilang mga anak kasi hindi naman sila makakatuntong sa susunod na baitang kapag hindi sila nabigyan ng clearance, lalung-lalo na sa Finance Department. Kaya bakit kailangan pang ipilit ang hindi patas na patakarang ito tuwing panahon ng pagsusulit? Dahil ba sa wala silang pampasweldo sa mga teacher at empleyado? Weh? Di nga? Sigurado akong mas marami ang nakakapagbayad ng sapat. Yung iba nga fully paid na sa enrolment period pa lang e. Kakaunti lamang na maituturing ang mga may kapareho ko ng kaso. Kaya bakit may NO PERMIT, NO EXAM pa rin?!
Hindi ba't dapat ang pangunahing responsibilidad ng mga educational institutions ay matuto ang mga estudyante nila? Bakit sapilitang pinipigilang makapag-exam ang bata dahil lang sa hindi pa ito nakakabayad ng sapat? Kung pera rin lang ang habol nila sa simula pa lang, edi sana mall na lang ang itinayo nila.
: (
photo from http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc4/174598_155386797853235_2142223_n.jpg
No comments:
Post a Comment