Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, February 14

Valentine's Day na naman

Love is in the air na naman. Panahon na naman ng pagmamahalan. Para sa mga katulad ko, ordinaryong araw lamang ito. Wala nga akong makitang love sa air e, hehe. Ngunit para sa mga may karelasyon, espesyal ang araw na ito. At dahil dyan, muling kumita ang mga nagtitinda ng bulaklak, tsokolate, balloons, teddy bear, at kung anu-anong may kinalaman sa Valentine's Day.

Maraming text messages at wall posts na naglalaman ng pagbati tungkol sa Valentine's Day ang ipinadala't natanggap ng mga taong may cp at fb. Samu't saring impormasyon rin tungkol sa pag-ibig at Valentine's ang makukuha sa mga TV segments at articles tulad ng binabasa mo ngayon.

Ilang kasalang-bayan ang ginanap sa iba't ibang lugar upang mabawasan umano ang mga nagli-live-in, lalo na yung mga may anak na. At ang tanging masasabi ni Mayor pagkatapos ng kasal, "Wag nyo pong kakalimutan sa susunod na halalan ang nagbigay-daan upang kayo ay malibre sa kasal."

Iba-iba rin ang mga pakulo sa iba't ibang dako ng mundo para sa selebrasyon ng Valentine's Day. Nagtataka nga ako bakit walang Lavapalooza ngayong taon. Akala ko pa naman ito'y isasabay sa Earth Hour.

Nagkalat rin ang libreng condoms dahil sabi nga ng mga namimigay nito, "Spread the love, not the virus." At ayon sa ating bubwit, fully-booked na naman ang mga motel ngayong gabi. Yung iba, sa likuran na lang raw ng taxi.

Ano man o sa paanong paraan man ninyo ipinagdiwang ang Valentine's Day, sana hindi natin nakalimutan kung bakit ito naimbento ng kung sino man. Pag-ibig ang dahilan. Ang lust ay iba sa love. Hindi sukatan ng pagmamahal ang sex, tandaan nyo yan mga iha. Pag ayaw mo at kinulit ka ng bf mo, sipain mo sa bayag.

Kaya in a relationship ka man o single, it's complicated or married, engaged o [insert text], nawa'y naging masaya ang araw na ito para sa ating lahat.

Happy Valentine's Day!

: )

No comments: