Thursday, January 31
SM plasticbags, BIODEGRADABLE?
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Kaya nga pag naisipan ko, ibabaon ko yun sa lupa at after a week, titingnan ko kung natunaw.
: )
Monday, January 28
"Lintek kang bata ka! Nandito ka lang pala!"
Maya-maya pa, nagulantang ang lahat nang biglang may pumasok na naghuhuramentadong ale. Sumugod ito papasok at agad pinalo sa braso yung isang bata at sinabing:
"Lintek kang bata ka! Nandito ka lang pala!" sabay tingin dun sa katabi at nagtanong nang pasigaw, "Ikaw ba nagbitbit dito sa lintek na batang 'to?!"
Hindi kumibo yung bata at pareho silang mangiyak-ngiyak. Tapos, mabilis pa sa alas-kwatro, kinaladkad palabas nung ale yung anak nya. Hindi ko lang alam kung nakapagbayad na sya. At naiwan yung dalawa pang kasama nung bata na nagbubulungan.
: )
Wow, Shippuuden nga.
Kanina pag-uwi ko, nakita ko sa tv yung first episode ng Naruto: Shippuuden na tagalized. Ito yung second part ng Naruto na nagsimula 2 1/2 years pagkatapos ng unang series, pagkatapos mag-training ni Naruto under Jiraiya.
Hindi lang ako makapaniwalang may tagalized version na agad yun dahil nakaka-44 episodes pa lang ito sa Japan. Ang galing naman. Pero sa palagay ko, yung first 20 or 30 episodes lang yung nakuha ng ABS. Wala lang. Palagay ko lang. Hindi naman kasi pwedeng makipagsabayan yun sa Japan e. In the span of 4 weeks, aabutan na nila yung sa Japan di ba? Kaya palagay ko, 20 or 30 episodes lang ang nakuha nila.
Ako? Nakaka-episode 27 pa lang ako e. Nawawala kasi sa isip kong manood. Isa pa, pinapanood ko rin kasi yung Bleach kaya hati ang oras ko kapag nanonood ako ng anime.
: )
Bakit wala pang 24 Season 7?!
Alam ko na kahit papaano kung bakit nade-delay ang pag-ere ng Season 7 ng pinakamamahal kong series na 24. Hindi ko naman sila masisisi kasi mayroon silang pinaglalaban. Yun nga lang, damay pati ako kahit di ako kano.
Magpasahanggang ngayon (tama ba?), patuloy pa rin ang Writers Guild of America (WGA) sa pagpapatalsik kay Bush. O easy, joke lang. Patuloy pa rin ang WGA sa kanilang strike dahil walang nakikinig sa kanila. Ewan ko ba. Sana tamaan ng kidlat yung mga nagbibingi-bingihan para naman maresolba na ang problemang ito.
Balik tayo sa 24.
Ayon sa aking intensive at extensive research, napag-alaman ko na mukhang magiging exciting ang season na ito dahil una sa lahat, ang ganda nung trailer! Kung di mo pa nakikita, hanapin mo dun sa mga Scandals ko.
Dun sa trailer, nasa congress si Jack at may kaaway na Senador na mukhang ginigisa si Jack tungkol dun sa pagto-torture nya kay Haddad. Syempre, tigasin si idol! Butata yung Senador!
Anyway, nalaman ko rin na buhay si Tony Almeida. At kontrabida siya dito! At dahil kontrabida siya, kalbo rin siya! Haha!
Wala na nga pala ang CTU. Sa FBI tuloy ang bagsak ni Jack.
At sa pagkakaalam ko, wala naman atang mga suicide bombers this season. Iikot lang ang problema dun sa tinatawag nilang "CIP firewall" na hindi ko alam kung ano, na mukhang balak sirain nila Tony Almeida and friends.
Base sa website nila, walang kasiguruhan kung kailan lalabas yung Season 7 dahil "SEASON 7 RETURNS IN 2008" lang ang naka-display dun.
Hay, sana tinamaan na siya ng kidlat.
: (
Monday, January 21
Sand o Save?
Send o Save? 8s Ur Choiz! ang complete title nito. Hosted dapat nila Ariel at Maverick. Na-cancel kaya to? Dapat kasi, itatapat ito sa Game KNB? pero baka natakot sila kay Edu.
Hay, palagay ko, Message Sending Failed ang nangyari.
: (
The search for the next/first(?) Pinoy Idol begins...
Nagsimula na ngang magyabang ang GMA na nandito na sa Pilipinas ang pinakasikat na palabas sa buong mundo, ang GMA version ng Pop Idol, ang Pinoy Idol. Pero sa pagkakaalam ko, matagal nang nandito sa Pinas ang local version nito, ang Philippine Idol, kaya naman kahit hindi ako masugid na tagasubaybay nito, parang napaka-unfair naman para doon sa mga naging part ng original Philippine Idol dahil binalewala ng GMA ito.
Ang lakas pa ng loob na sabihing hinahanap nila ang FIRST Pinoy Idol, e ano si Mau?
: (
Friday, January 18
Water-proof matches
Inilubog ko sa tubig yung isang palito ng posporo at saka sinindihan.
Sumindi nga.
Pero sandali lang.
Yung dulo lang yung nasunog, hindi gumapang dun sa katawang kahoy.
So ang water-proof lang talaga doon e yung dulo.
Wala ring silbi pag basa diba?
: )
Ang pagda-Downgrade sa ating Aviation Industry
Ayon sa nabasa ko, Category-2 is a rating given to airline industries that do not meet ICAO standards. At anim sa pitong components ng aviation audit nito ay pumalpak raw tayo.
Dahil dito, pinapayuhan ng US ang kanilang mga mamamayan na huwag sumakay sa mga eroplanong galing o papunta sa Pinas. At pinakaapektado dito ang Philippine Airlines (PAL) dahil tanging PAL lamang ang local airline na lumilipad sa US.
Pero sabi nila, panakip-butas lamang ito sa totoong issue. Pini-pressure raw ng US ang Pinas na pirmahan ang lisensya ng isang US airline, ang Hawaiian Airlines kapalit ng pagbabalik sa Category-1 ng ating aviation industry. Pag Category-1 nga pala, malinis ang record mo at pumasa ka sa standards nila.
Kung sabagay, baka nga may kasalanan talaga ang mga nakaupo sa pwesto kaya nagkaganyan at nabigyan tayo ng Category-2 rating. Unang-una nang dahilan ang corruption. Sabi ng Senado at Kamara, naibigay naman raw nila ang hinihinging budget para rito. Kung gayon, bakit nagkaganun? Ibig sabihin, hindi ginawa ng tama nung nakaupo yung trabaho nya. Ang ending: pag-Downgrade.
Hay, diba sa US yung FAA na yun? Talaga bang pag may sinabi ang US, kailangan itong sundin ng mundo? Talaga bang US ang may hawak ng mundo? Siguro nga oo. Siguro nga kasi yung presidente natin e tuta ni bush. Siguro nga kasi lihim tayong state ng America. Siguro nga kasi makapangyarihan ang bansa nila.
: (
Ang Meatloaf na galing sa lata
Ano naman ang problema ko dun?
Kase ako, pag tinatanggal ko sa lata yung meatloaf, masuwerte na kung may buo akong nakukuha. Kahit kasi butasan ko sa magkabilang dulo yung lata para itulak yung meatloaf sa kabila e nadudurog lamang ito, tapos yung nasa commercial bilog na bilog?! Ano kaya yun?! Pano nya tinanggal sa lata yun?! PAANO?!
: )
Magpakailanman, mawawala na...magpakailanman...
: )
Friday, January 11
Define Irony
Nagsisisigaw yung nanay at hinahanap yung anak nya. Nung nakita nya, pinagmumumura nya agad dahil kanina pa raw hinahanap. At hindi ko makalimutan yung paulit-ulit nyang mura sa anak nya:
"PUTANG INA MONG BATA KA!"
: )
Aabot pa nga ba sa P38=$1?
Una na rito ang mga OFWs. Dahil sa pagbaba ng palitan sa dolyar ay bumababa rin ang halagang naipapadala nila sa kanilang pamilya dito sa Pinas.
Apektado rin ang ilang maliliit na kumpanya, may mga nagsasara pa nga e.
Pero kahit lumakas ang piso, hindi naman natin ito nararamdaman. Hindi naman bumababa ang presyo ng bilihin. Hindi rin bumababa ang presyo ng gasolina. Ano nga ba ang epekto sa atin ng paglakas ng piso?
Hay... Ikaw, alam mo?
: (
Mga nakakainis na kapunapuna sa Deal or No Deal
- Sinisigawan ng player yung briefcase ng "LOWER!" mula umpisa hanggang matalo, este matapos pero alam naman natin na hindi lahat ng amount sa loob ng briefcase ay low.
- Humihingi ang player ng mataas na offer kay "Banker" pero magno-No Deal naman.
- May pakulo si Kris Aquino na maswerte ang ganyan at ganun sa laro pero alam naman natin na game of chance o sa madaling salita ay chambahan ito.
- May bitbit na "kapamilya" yung player at hinihingan nila ng number. Madalas, nagmumukhang hindi na laro nung player ang nangyayari.
- Kapag celebrity ang naglalaro, lalo na kung sexy't maganda, antaas ng offer ni Banker.
- In some cases, kasali pati probinsya na pinanggalingan nung player.
: )
Wednesday, January 9
United Opposition, hindi united sa 2010
Nandyan si Loren, si Ping Lacson, si Mar Roxas, si Makati Mayor Binay, at si Villar. Balita ring kasamang tatakbo si Chiz Escudero pero baka sa pagka-bise presidente lang. At dahil sa dami ng pangalang lumalabas, hindi tuloy masabi ng oposisyon kung sino ang "The One" na isasalang nila sa pagka-Presidente.
Nagpaparamdam rin daw si Erap. Pero duda ako dahil nasa kasunduan yun ng kanyang pardon.
Sa kabilang banda naman, marami ring lumulutang na pangalan sa Admin. Una na dito si Noli de Castro. Nandyan rin si QC Mayor Belmonte, at MMDA chairman Bayani Fernando (na nagjo-joke lang ata sa interview).
Malayo pa ang 2010 pero gigil na gigil na ang mga politiko na dumating ito dahil, alam naman natin, na ginagawa nila itong hanap-buhay.
Pero sino man ang manalo pagdating ng taong yun, sana naman, sana lang, may magbago sa Pinas.
: (
Pusa na naman
Sa isang subdivision raw sa Makati, may nagaganap raw na massacre ng mga pusa sa hindi ipinaalam na dahilan. Ang kwento, isinisilid raw ang mga pusa, karamihan mga kuting, sa mga hawla ng ibon at saka pinagbababaril gamit ang air gun, para bang nagta-target shooting lang. At natural, patay yung mga pusa.
Pina-imbestigahan na raw ni Mayor Binay ang pangyayari at wala na akong alam sa resulta dahil hindi na ito nailathala pa.
: (
Bisaya Joke
Bill Gates: Those of you who doesn't have managing experience may go now.
2,500 ang nagsialis. Naiwan si Mario kahit sari-sari store lang ang alam i-manage. Wala naman raw mawawala kung magpapaiwan sya.
Maya-maya..
Bill Gates: Those of you who are not PhD holders may go.
1,500 ang nagsialis. Naiwan si Mario kahit elementary lang ang natapos. Wala naman raw mawawala kung magpapaiwan sya.
Maya-maya pa..
Bill Gates: Those of you who can speak Ainu language, please stay.
Nagsialis ang lahat maliban kay Mario at sa isa pang lalake. Lumapit si Bill Gates sa dalawa at sinabing mag-usap raw sila sa lengguwaheng Ainu.
"Unsa ma na, dong?" tanong ni Mario sa lalake.
"Ambot, bay." sagot nito.
The End.
: )
Tuesday, January 8
Meron akong splitends...sa binti...
Nadiskubre ko ito few weeks ago habang naggugupit ng kuko sa paa. Napansin kong ilan sa buhok ko sa binti e may splitends nga. Pero di tulad ng sa buhok, ang pagkaka-split nya e hindi pantay. Hindi ko ma-explain pero ang alam ko, mukha syang splitends.
: )
Ang mga Castaways ng Survivor: Micronesia - Fans vs. Favorites
- James, from Survivor: China
- Jonathan, China rin
- Parvati, Cook Islands
- Amanda, China rin
- Ozzy, Cook Islands din
- Eliza, Vanuatu
- Cirie, China
- Amy, Vanuatu rin
- Jon, "Jonny Fairplay" from Pearl Islands
- Yau-Man, galing Fiji naman
: )
Friday, January 4
Wheel of Fortune, ipapalit sa Deal or No Deal
Napanood nyo na rin ba yung mga teaser nun? Nagpapa-audition na nga rin sila para sa mga gustong sumali e. Basta ang alam ko, 1st quarter ng 2008 ito ipapalabas.
Sa mga nakakaalala, si Rustom Padilla ang unang nag-host nito noon sa ABC5. Kaso biglang naglaho. At ngayon, ayon sa nalaman ko, unfortunately, si Kris Aquino rin daw ang magho-host nito.
: )