Thursday, August 30
Kaya pa ba ng Rivermaya?
Kumalat ang chismis noong Mayo na magdi-disband na ang grupo. Di naglaon ay kinumpirma na rin mismo ni Rico Blanco at ng Rivermaya ang pag-alis nito sa grupo. Hindi rin malinaw kung bakit. Dahil dito, nadamay din ang dating miyembro nitong sa Bamboo Manalac. Hindi kaya gumawa rin ng sariling banda si Rico?
Pero ang hanging question: Paano na ang Rivermaya?
Nakapaglabas sila ng "Bagong Liwanag EP" at kung di mo alam kung ano yun, pumunta ka sa record bars.
Noong mga nakaraang linggo, nagpa-audition ang grupo para makakuha ng bagong miyembro. Parang "Rock Star: Inxs/Supernova" pero hindi bokalista ang hinahanap nila kundi miyembro lang (hintayin nyo sa Studio23). Mukhang kaya namang maging bokalista nila Mike at Japs, yun nga lang, hindi na tunog-Rivermaya.
Kung maliligaw ka sa Studio23, yung maririnig mong tugtog dun ay gawa ng Rivermaya, "Sumigaw" ang title. Noong una, kala ko kung sino lang, yun pala Rivermaya may gawa. Hindi kasi tunog-Rivermaya.
E bat ko nga ba nasabing hindi tunog-Rivermaya?
Aminin na natin, boses ni Bamboo at Rico ang bumubuhay sa Rivermaya. Kahit noon pa. At kung hindi ako nagkakamali e mas marami pang fans si Rico kaysa sa Rivermaya mismo. Kaya nga sa biglang pagtalikod ni Rico sa banda, tatagal pa kaya ang Rivermaya?
: (
Death Penalty, ibalik!
Sa mga ganitong sitwasyon, tama bang ikulong LANG habambuhay ang mga may sala?
Hindi ako Diyos o ano mang Santo pero para sa akin, dapat lang ang parusang bitay para sa mga dimakataong krimen.
: (
Nakakainggit ang beer
Maya-maya pa, may naglabas ng cooler, yung malaki. May lamang beer. SMB, San Mig light, at Red Horse. Nag-inuman yung mga lalaking officemate ng mama ko. Dun mismo sa opisina. Maingat nga lang at baka magaya sila dun sa nabalita sa tv na taga-B.I.R. ata.
So yun, nag-inuman sila at ako nama'y natatakam uminom maski isang bote lang. Gusto ko sanang humingi kaso nandun yung mga nakababata kong kapatid. Ayoko naman maging BI. Kaya ayun, uminom na lang ako ng coke.
: (
Wednesday, August 22
Gretchen vs. Bong vs. Manong Driver
Napanood ko kagabi ang isang nakakalokong tagpo sa isang presinto sa
Bong Alvarez strikes again. Matapos ang matagal na pananahimik, eto na naman siya’t gumawa ng gulo. Binugbog niya ang isang taxi driver na nagngangalang Wilfredo Cabanlit dahil umano sa pag-o-over-charging nito ng pamasahe sa pamamagitan ng pagdaan sa mas mahabang ruta. Di pa nakuntento sa isa, pagdating sa presinto ay pinatulan naman nito ang tv reporter na si Gretchen Malalad na sinusubukan lamang kumuha ng balita. Ayaw magpa-interview ni Alvarez kaya’t sa inis nito ay sinadya niya itong sikuhin palabas ng kuwarto.
Hindi nagpadaig ang black belter na reporter kaya’t dali-dali itong gumanti ng sapak sa mukha ng dating basketbolista. Pero muling bumanat si Alvarez ng sabunot at nagsimula na ang riot sa presinto.
Sa dulo, nagsampa ng kaso ang reporter at ang taxi driver naman, nadaan sa areglo. Nagkalaya rin si Alvarez sa piyansang P4,000.
: (
Sunday, August 19
Si Jed ba yun?
May napanood akong commercial ng palmolive last week. Commercial sya ng sabon pero hindi yung sabon yung napansin ko kundi yung babae. Parang si Jed. Parang nakita ko talaga si Jed.
Nakita mo na ba yung commercial? Sa tingin mo, si Jed ba yun?
: )
Ang WikiPilipinas
Oo, tama ang basa mo. WikiPilipinas nga, at hindi ko alam kung may kuneksyon yan dun sa original na Wikipedia.
Subukan mo na Just Click Here! Suportahan ang sariling atin! : )
Si John Travolta sa Hairspray
Nakakita ako ng isang disturbing na movie poster sa mall at sa mga dyaryo this past few days. "Hairspray" ang title at sabi, musical daw.
Disturbing dahil namumukhaan ko yung yung nasa upper-left ng poster, parang si John Travolta. At dahil nakita kong part siya ng cast, in-assume kong siya yun.
Pero bakit nga ba? Bakit nga ba babae ang papel niya dun? Babae nga ba o bakla? At bakit mataba? A! Ewan! Hindi ko rin naman masasagot yan dahil hindi naman ako nanununod ng mga musical. Oo, maski yung High School Musical na kinababaliwan ng iba, di ko pinanood. Ano bang mapapala ko dun? Puro pa-cute lang naman sila.
"What time is it?"
"It's basura time!"
"What time is it?"
"It's basura time!"
Yeah!
: )
Anlene at Arthro
Hindi siguro kaila sa inyo yang dalawang commercial na yan.
Yung isa e may lolong naglalakad nang patalikod habang sinasabing "Ang lakas ko!" at yung isa, may lolang uminom ng gatas at dumiretso bigla yung likod tapos nag-ballet pa (raw) sa dulo.
Ang napansin ko lang sa dalawang commercial na yun e pareho nilang niloloko ang mga taong nanonood.
Sa bagay, nasa nasa tao naman yun kung maniniwala siya.
: (
Tuesday, August 14
The Speaker
Naghihintay ako ng masasakyang bus nang dumating itong speaker kasama ng mga nahihiya niyang mga kaibigan.
Salita siya nang salita na parang walang ibang tao sa paligid niya. Ang volume ng boses: above average. Kahit may mga bumubusinang mga sasakyan e rinig pa rin ang boses niya. Yung mga kausap naman niya: below-average. Sinasabihan nga nilang hinaan niya yung boses niya. Pero wa-epek, tuloy ang ligaya--niya.
Naghihintay rin sila ng masasakyan pero di pa ring mapigilang magsalita.
The Speaker: (above avereage ang volume) OY SAKAY NA TAYO DUN SA BUS!
Kaibigan1: oi hinaan mo naman boses mo.
The Speaker: HINDI, AYUS LANG YAN.
Bilib din naman ako dahil hindi humihina ang boses niya kahit gaano siya katagal magsalita. Natatawa nga ako kasi kahit pinagtitinginan siya ng ibang tao e wala siyang pakialam basta masabi niya yung gusto niyang sabihin. Sa totoo lang, para siyang palengkera. Naalala ko tuloy bigla si Betsy sa kanya. Parang gusto lagi ng away. Haha!
: )
Friday, August 10
Shaider-->Shaido-->Zaido-->?
Hanggang ngayon ay di pa rin mapag-desisyunan ang gagamiting title sa gagawing remake or PINOY remake ng Shaider.
Nabalitaan ko kasing hindi pumayag yung hapong may-ari ng Shaider na gamitin yung title na yun para sa gagawing PINOY remake. So walang nagawa yung mga nagbabalak kundi umimbento ng title na medyo hawig kay Shaider. Ayon pa sa nabasa ko, ang gagawin nilang istorya ay kamag-anak ni Shaider yung Shaider este, Zaido dito. Gets? At hulaan nyo kung sino yung gaganap na Shaido este, Zaido?
Si Tuxedo Mask! este, si Dennis Trillo!
Wag na rin kayong umasa na makakita ng mga kalabang tulad dun sa original (yung mga malalapad na halatang pinagpagurang gawin para lang pasabugin ni Shaider). Duda akong titipirin nila yun. Ala-Darna at Captain Barbell lang kalalabasan nun. At ang kuwento? Siyempre pinoy na pinoy!
Hindi ko alam kung matutuloy pa yun dahil sa sobrang tagal. February pa lang kasi nagko-commercial na yun. Naaalala nyo pa siguro yung commercial na "Time-space warp, ngayun din!" tapos, "Ang pulis pangkalawakan, reresponde na!" tapos may "Abangan!"
Naku, wala na kasing maisip na palabas yung siyete kaya angkat na lang sila ng angkat ng mga dayuhang programa para i-remake. i-PINOY remake pala.
Ano kayang susunod? Jewel in the Palace?
: )
"Dalawang Regular Yum po...."
Galing ako sa Netopia nang maramdaman kong nagugutom ako. Nagpunta ako sa Mcdo para bumili ng burger. Burger lang dahil papunta na dapat ako sa klase ko nun. Pagpasok ko, may pila as usual. Naisip kong lumipat na lang sa Jollibee dahil para sa akin, mas masarap yung burger nila. Nag-iisip pa rin ako nang marating ko yung counter.
"Good Afternoon, sir! Welcome to McDonald's!" ang sabi nung miss.
Sa di inaasahang pagkakataon nasabi ko ang isang maling bagay...
"Dalawang Regular Yum po..."
...
...
Agad akong bumawi nang ma-realize ko ang pagkakamali.
"Ay, dalawang Burger McDo pala." tapos may pahabol pang "Sorry!"
...
Nakakahiya pero anung magagawa ko? Nangyari na e. Napapangiti na lang ako sa tuwing naaalala ko yun.
Hay...
: )
Sa Parks and Wildlife
Pagdating ko dun, bumalik ang alaala ko noong huli akong pumunta doon. Matagal na, di ko na maalala. Basta ang natatandaan ko lang e may camping noon.
Teka muna, balik muna tayo sa unggoy. So yun, nagbayad ako ng P5 na entrance fee at naghanap na ng unggoy. Unfortunately, wala akong makitang unggoy. Puro ibon. Ibon na mainggay, ibon na nagsasalita, at mga ibong nilalanggam.
Ang laki ko rin namang ewan dahil hindi ako nagtanong sa mga tao. May dumaan nang dalawang guards na naka-bike pero di pa rin ako nagtanong. Gusto ko kasi, ako makahanap.
Habang naglalakad ako e napadaan ako sa isang medyo pamilyar na lugar. Malapit lang sa lawa. Pamilyar dahil naaalala kong minsan ay nagtayo kami ng mga tent dun. Si Malaya lang yung natatandaan kong kasama ko sa tent dahil kanya yun. Yung iba, di ko na matandaan.
Hay, memories... memories...
Teka, balik ulit tayo sa unggoy. Bale inabot ako nang mahigit 40 minutos bago ko nakita yung mga unggoy--malapit lang sa entrance.
Ay naku! Siguro kung may kasama ako e binatukan na ko nun. Pero ayus na rin dahil nakapasyal at nakapag-ikot ako sa lugar na yun. Marami akong naalala bigla. Yung pagkain naming parang rasyon sa mga nasalanta ng bagyo, mga kulitan, mga gawaing ginawa, mga activities, at kung anu-ano pa...
Ang aking simpleng pamamasyal ay naging malaking pagbabalik-tanaw.
: )
Ang lintek na vendo
Habang naglalakad ako e may nadaanan akong vending machine. Tumingin ako ng masarap inumin. (Weirdo ako kaya naman) Hot Choco Mocha ang pinili ko. Isipin nyo, mainit ang panahon pero mainit din ang binili ko, ang weird 'no?
P12 ang hinihingi. Naghulog ako ng P10 coin pero bago ko pa mailagay yung natitira e nagulat ako dahil P5 ang lumabas sa screen! Aba! lintek na vendo to! Dadayain pa ko! Kaya naisip kong kunin nalang yung hinulog ko. Kaso, pag pindot ko nung button e LIMANG PISO YUNG LUMABAS!
ANAK NG PATING! Dinaya ako nung vendo! Inulit-ulit kong hinulog yung limang piso at pindutin yung button para lumabas yung barya pero di ko na muling nasilayan pa yung P10 coin ko! Napagkamalan pa akong sumusungkit ng barya nung guard kaya wala akong nagawa kundi bumili na lang ulit.
Hay, gumastos ako ng P17 para sa P12 na inumin. Nakakalungkot.
: (
Si Pacquiao
Hindi ko alam ang pangalan nya pero sa tuwing nakikita ko syang umaakyat ng bus e "Si Pacquiao!" agad ang pumapasok sa utak ko.
Hindi natatapos ang linggo ko na hindi sya nakikita. Ni hindi ko nga alam kung anung bus company talaga ang pinapasukan nya dahil iba't ibang bus ang iniinspeksyunan nya. May Mayamy, may Elena, may Mersan, basta yung bulok na bus papunta samin!
Hindi lang ako sigurado pero palagay ko e iisa lang siguro ang may-ari nung mga ganung bus kaya siguro kung saan-saan ko nakikita si Pacquiao.
Hindi ko na pahahabain to, hanggang dito na lang.
: )