Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Thursday, March 13

Be Careful What You Wish For

tsaynatown.wordpress.com
Narinig ko sa TV Patrol noong isang gabi na extended na naman (for the nth time) ang Be Careful With My Heart. Lalong matutuwa ang die-hard fans nito dahil ayon mismo kay Ser Chief, tuloy-tuloy lang ang ligaya ng longest-running telesineseryenobela sa bansa ngayon.

Paborito rin daw ang programang ito sa iba't ibang karatig-bansa gaya ng Vietnam. Gagawan na rin ito ng Korean adaptation sa oras na mapatunayang may patutunguhan talaga ang istorya nito.

www.facebook.com/anyarenews
Bilib din ako sa mga nanonood nito. Hindi ba kayo nagsasawa? Anyway, dahil sa inyo kaya tila wala pang katapusan ang programang ito. Congrats sa bumubuo ng programang ito at sana'y maglunsad kayo ng bago sa lalong madaling panahon.

: )

No comments: