Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, June 23

BAWAL TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO

Pinalitan na ng MMDA ang mga pink signs (WALANG TAWIRAN, NAKAMAMATAY) nila sa kalakhang Maynila nang mensaheng mas karumaldumal kaysa sa nauna. Pero bakit hindi pa rin ito sineseryo ng iilan? Patuloy pa rin ang ilang matitigas ang ulo na nakikipag-pantintero sa gitna ng highway sa pag-asang makararating sila sa kabilang ibayo nang mas mabilis at buhay.

Hay. Kailangan pa bang palitan pa ng mas mainam na mensahe ang mga signs na ito ng MMDA? Kung ako ang maglalagay ng mensahe dito, ganito ang nakasulat:


TANGA LANG ANG TATAWID DITO.


: )

No comments: