Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, April 19

Survivor: Caramoan - The Three Amigos

SPOILER ALERT! If you haven't watched the most recent episode of Survivor then watch it now!

survivorfandom.com
Finally! The Stealth R Us kingpin is out of the game, thanks to the Three Amigos: Malcolm, Reynold, and Eddie. Reynold won immunity while Malcolm found his second hidden immunity idol and gave Eddie the other one during the craziest Tribal Council ever. With the three outcasts having immunity and all members of Stealth R Us alliance except Erik stuck with the split vote plan, the Specialist was voted out and became the second member of the Jury. Well played, Amigos, well played.

Everybody's happy but Phillip. He's so confident with the game he opted out of the immunity challenge right away. His story about being trapped underwater during his childhood is not even a valid reason for not participating. The metal grate challenge in last week's episode is much more scarier than this week's challenge. So, is the story even true?

neontommy.com
Phillip's confidence didn't saved him from being voted out and joined Michael in the Jury. Now, what's next for the Three Amigos? The numbers game stands 6-3 in favor of Stealth R Us. The Amigos must pull another crazy stunt to survive the next Tribal Council.

Here's next week's preview:


Next time on Survivor: Will Sherri and Erik join the Three Amigos? And everyone's favorite challenge is back! The Survivor Auction!

: )

Wednesday, April 17

Ang Napakasimpleng Blind Auditions Set ng The Voice PH

Nagsimula na pala ang taping ng Blind Auditions ng The Voice of the Philippines. At ilang oras matapos ang Day 1, nag-upload ng ilang litrato ng Blind Auditions set ang The Voice Philippines Facebook page (hindi ko alam kung ito ang official page) na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.


Ako mismo'y nadismaya pagkakita sa mga litratong ito. Ang liit ng studio! Teka, hindi ba't si Laurenti Dyogi ang director nito? 'Yung Big Brother House nga nakaya niyang pagandahin every season e. Anong nangyari dito? Naubos ang budget kay Ms. Lea Salonga? Big Brother, you can do better than that!

Napapanood ko kasi ang US (mula Season 3) at UK (Series 2) versions kaya naman hindi ko maiwasang ikumpara ito sa Philippine version. May nakita pa nga akong ikinukumpara ito sa versions ng ating mga karatig bansa.


Sino ba namang hindi madidismaya sa resulta kung ang ginamit nila sa teasers ng local version ay video clips mula sa The Voice US?


Sana sa The Voice of Holland na lang sila kumuha ng video clips para hindi masyadong nadismaya at umasa ang ilang fans ng The Voice.


By the way, si Ben Saunders nga pala ang first winner ng The Voice of Holland.


Ngayon, bukod sa mukhang piloto ng Voltes V ang coaches ng The Voice of the Philippines, ano naman kaya ang magiging istura ng Battles set? Utang na loob! Sana may mas malaking studio ang ABS-CBN. At kung totoo man na sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World gaganapin ang live shows, aba'y malaking improvement na 'yun! Gandahan na lang nila ang production design. Kahit kasi singing contest ang The Voice, it is still a TV show. Bukod sa naririnig ang tenga, importante rin ang nakikita ng mata.

: )

Monday, April 15

Thursday, April 11

Dear PNoy

http://cdn2-b.examiner.com
May ginagawa bang paghahanda ang gobyerno ng Pilipinas laban sa mga pagbabanta ni Kim Jong Un? Aba'y matagal nang kaalyado ng USA ang Pilipinas a! Paano kung bombahin tayo ng North Korea? May missile defense system man lang ba ang ating sandatahang lakas? Baka pag dumating ang panahon na may Voltes V na ang Japan ay nagtatyaga pa rin tayo sa second hand tools ng Amerika.

http://news.toyark.com/
Kaya bang protektahan ng gobyerno ang kanilang mamamayan sa isang biglaang pagsalakay? Ewan. Bahala na si Batman.

http://www.inquirer.net
Walang gustong makaranas ng giyera. Kaya naman sana nga'y hindi matuloy ang nagbabantang gulo sa Korean peninsula. Pero kung sa kasamaang-palad na ito'y matuloy, sana'y hindi madamay ang Pilipinas. Wala pa kasi tayong missile defense system o Voltes V man lang e. Wala ka pa kasing ginagawa.

: )