Ayon sa nakikita ko tuwing commercial breaks, ganito ang primetime
program schedule ng dalawang higanteng local TV networks na itatago natin sa
pangalang ABS-CBN at GMA:
[Nightly News] - 6:30 PM
[Show 1] - after [Nightly News]
[Show 2] - after [Show 1]
[Show 3] - after [Show 2]
[Show 4] - after [Show 3]
[Koreanovela] - after [Show 4]
[Late Nightly News] -
after [Koreanovela]
[Late Night Documentary] - after [Late Nightly News]
Kung mapapansin mo, 'yung Nightly News lang ang may
siguradong timeslot na 6:30 PM at lahat ng sumunod na programa ay hindi mo alam
kung anong petsa magsisimula. Hulaan mo na lang kung anong oras. Ngunit bakit
nga ba ganito ang program schedule pagdating ng primetime?
Ang sagot ay hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit hindi
eksaktong 30 minutes o 1 hour ang bawat isang programa. Hindi ko alam kung
bakit mas mahaba ang allotted time ng isang programa kumpara sa iba. At hindi
ko rin alam kung bakit hinahati nila sa 3 to 4 parts ang isang episode ng bawat
tinagalog na Koreanovela.
Primetime TV. More fun in the Philippines.
: )
No comments:
Post a Comment