Ang pinakaayaw ko sa lahat tuwing nasa loob ako ng bus ay
kapag may isang kapwa pasahero na nagpapatugtog ng tagalog rap songs sa
cellphone nang naka-loudspeaker.
Ito 'yung tipo ng tagalog rap songs na madalas ay pag-ibig
ang tema. Kasawian, katangahan, kataksilan, at kung anu-ano pang may kinalaman
sa pag-ibig ang kadalasang subject ng kanilang rap. May ilang hango sa mga
lumang kanta ang chorus ng kanta. Minsan nama'y English o Japanese ang chorus
na kinakanta ng babae o bata. Sila ata 'yung descendants ng Salbakuta.
Madalas ko kasi itong marinig sa mga kabataang tambay dito
sa lugar namin. Kung hindi mo alam ang tinutukoy ko, mapalad ka, kapatid!
Nasisira ang aking masayang bus ride pag may pasaherong
nagpapatugtog sa cellphone nang naka-loudspeaker. Papansin ang tingin ko sa mga
taong ganito. Hindi ka naman radio station pero daig mo pa ang naka-broadcast.
Bakit kailangan mo pang iparinig sa madla kung ano ang pinapakinggan mong
kanta? Akala mo ba gusto ng lahat ang ano mang gusto mo? Tutal naman cellphone
at playlist mo yan, ikaw na lang ang makinig. Wag mo na kaming idamay.
Mag-earphones ka!
: |
No comments:
Post a Comment