Pero bakit nga ba ako tumataba? Di naman ako buntis. Wala ring nagbago sa aking eating habits. Kung gaano karami yung kinakain ko noong 32" pa lang ang waistline ko, ganoon pa rin naman karami ang kinakain ko ngayong... (kumuha ng measuring tape at sinukat ang...?!) ngayong 35" na ang waistline ko. Wow, 3 inches din yun a. Anyway, malakas talaga ako kumain kahit noon pa. Ako yung tipo ng taong pag may handaan, puro ulam ang laman ng pinggan at kanin ang nagiging ulam. Malakas talaga ako kumain. Bukod kasi sa standard 3 meals a day (breakfast, lunch, and dinner), e palaging may meryenda in between meals pa. San ka pa? Pero sa kabila nito, hindi naman ako tumataba noon. Ngayon lang. Seryoso.
Ngunit bakit nga ba ako tumataba? Hindi naman ako napabayaan sa kusina noong noche buena. May teyorya ako pero hindi lang ako sigurado kung tama. Sa tingin ko kasi kaya ako tumataba ay dahil hindi na ako nase-stress. Yes, I think it's stress. Maraming cause ang stress. Pwedeng itsura mo, trabaho, pag-aaral, at iba pa. Pero sa kaso ko, stress na dulot ng lovelife. Oo, na-stress ako sa girlfriend ko dati. Sa awa ng Diyos, mag-aapat na buwan na akong walang iniisip na masakit sa dibdib. Palagay ko kasi noong madalas akong mag-isip at mag-alala tungkol sa relasyon namin ay di ko napapansing naaapektuhan na pala ang aking kalusugan, kaya kahit kain ako ng kain e hindi naman ako tumataba. Kaya naman ngayong wala na akong iniisip at inaalalang masakit sa dibdib, lumalabas na rin ang epekto ng normal kong pagkain.
At dahil ako'y mataba na, nais kong magpapayat na para pantalon ko'y di na masikip at damit ko'y di na fit.
: )