Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, October 18

Amoy Barangay Elections na talaga

Kanina, ibang set of barangay election candidates naman ang biglang lumitaw sa simbahan para magpapansin.


(chismisan muna sila)


Pareho rin ang kulay nila doon sa grupo last week, pero ngayon, lantaran na gusto nilang maiboto ng mga nakakakita sa kanila.


(nung offering)


At tulad ng last week's group, kapansin-pansin na ngayon lang sila nagsipag-simba. Sabi nga ni Mami, "Ngayon ko lang nakita yang mga yan."

Hay, bahala na si Lord sa inyo.

: )

Monday, October 11

Amoy Barangay Elections na

Kahapon nung nagsimba kami, nagulat kami sa nakita namin...

-mga kakandidato sa nalalapit na Barangay Elections dito sa lugar namin. Kapansin-pansin sila hindi lamang dahil sa pare-pareho nilang suot kundi dahil yung iba sa kanila e hindi alam yung mga gagawin sa kabuuan ng misa. Sabi nga ni Mami e, "Napaghahalataang ngayon lang sila nagsimba."

Oo nga naman. Tsk. Tsk. Tsk. Bahala na si Lord kung mananalo kayo o hindi. Hehe.

: )

Thursday, October 7

"ayan, tanga-tanga."

Kagabi, habang naglalaba ako, may narinig ako sa kapit-bahay na medyo kinainis ko...

Nauntog kasi yung maliit na bata sa pinto, at agad sinabi nung tiyo nya, "ayan, tanga-tanga."

Tama ba namang tawagin nyang tanga ang isang batang wala pang muwang? Sila nga dapat nagtuturo ng tamang asal dun sa bata e.

Kawawang bata.

: (

Friday, October 1

Nagyoyosi ka ba?

Minsan naiinis ako kapag nakakakita ako ng mga taong naninigarilyo. Hindi lang dahil sa hindi ako nagyoyosi, kundi dahil na rin masama ito sa kalusugan ng mga nakakalanghap ng usok nito (Oo, yung mga nakakalanghap lang ng second-hand smoke. Wala akong pakialam dun sa mga naninigarilyo).


Pero ang isa pang kinaiinis ko, habang naninigarilyo itong mga sunog-baga na ito, may mga tao namang lumalaban sa kanilang sakit at may taning na ang buhay. Yung iba, bata pa lamang may sakit na. Yung iba dinapuan naman ng malalang karamdaman tulad ng cancer. Samantalang ang mga nagsusunog ng baga dyan, unti-unting pinapatay ang malusog nilang pangangatawan.

Sana yung mga naninigarilyo na lamang ang dapuan ng malalang sakit, tutal hindi naman nila pinapahalagahan ang kanilang kalusugan. Sana yung mga sinusunog nilang buhay sa mundo ay napunta na lamang sa mga may sakit at may taning na ang buhay. Sana sila na lang ang nasa bingit ng kamatayan para malaman nila kung gaano kahirap mabuhay para sa mga nag-aagaw-buhay. Sana lang talaga.

Narinig ko kanina yung kanta ni Jovit. “Too much love will kill you” raw. Sa tingin ko ang babaw nun. Ang dapat, “Too much smoke will surely kill you.”

: (

photo from http://www.absolutepunk.net/gallery/files/1/4/9/6/4/8/Smoking-Kills-Poster-C10223322.jpeg