Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Thursday, July 22

Pakwan

Mainit raw na topic sa Internet ang biglaang pagpaparetoke ni Charice Pempengco ng kanyang mukha bilang paghahanda sa tv appearance nya sikat raw ng "Glee". Gusto nya raw kasing maging "fresh" sa harap ng camera. Pero teka, diba 18 pa lang sya?

Hindi ba sya kumportable sa itsura nya kaya nag-undergo sya ng treatment? Eto ba ang epekto ng "Glee" sa kanyang self-esteem? Pressured ba sya na mag-mukhang imported dahil foreign show ito?

Parang nakikita ko tuloy na magiging kagaya niya si Regine Velasquez.

Anyway, nakita ko kanina sa frontpage ng isang broadsheet ang mukha nya, before and after the treatment. At napansin ko na hugis pakwan pa rin ang mukha niya.

: )

Thursday, July 15

I love Rudy

Tawa ako nang tawa nung nakita ko yung billboard na yun sa SM Fairview tatlong araw na ang nakararaan. May commercial rin pala yun, kanina ko lang nakita sa tv sa bus. Wala lang, nakakatawa kasi.

Ngayon ko lang na-post to kasi ngayon lang nagkakuryente sa bundok. Hay, salamat at nagkakuryente na.

: )

Monday, July 12

Ang galing ni Paul the Octopus!

The octopus predicted the winners of 8 games, including Spain's victory over the Netherlands in the 2010 FIFA World Cup.


Congratulations to Spain!

: )

Tuesday, July 6

Ako ay nabiktima ng ipit gang

Kaninang umaga lang, nawala ang cellphone ko.

:((

Nabiktima ako ng "ipit gang" sa bus kanina. Hindi ko naman pinakitang may cellphone ako at sa bandang likuran ako nakaupo pero nabiktima pa rin ako. Hay buhay.

Sa mga hindi pamilyar sa modus na ito ng mga walanghiya, ganito ang siste nila...

Sasakay sa bus ang 5 o higit pang miyembro at haharangan ang unahan ng bus na tipong ayaw magsipasok dahil masikip sa gitna. At ang sinumang pasaherong bababa ay iipitin nila, na kumwari ay dulot ng siksikan ng mga pasahero at di mapapansin ng biktima na may nawala na palang gamit (i.e. cellphone o wallet) sa kanya. Tapos ayun, siguro ibebenta na nila ang nanakaw na cellphone at paghahatian ang laman ng pitaka.

Hay, sayang si N1209. Nami-miss ko na sya. Si Kuya Don pa naman bumili nun, nakakahiya pag nalaman niyang nawala ko.

Anyway, looking into the bright side, hindi naman ako nasaksak ng mga masasamang loob. Mabuti na lamang at sa bus nangyari yun at hindi sa kalye o jeep kung saan may nanunutok talaga at napapasama ang mga lumalabang biktima. Sabi nga ni Cris, "yeah, better cp than get stab pare. masmahal ang hospital bills."

Hay. Sa mga nakakabasa nito, magsilbi sana sa inyong babala ang nangyari sa'kin. Wag na kayo sasakay ng bus. Joke lang. Lagi ninyong ingatan ang mga mahahalagang bagay ninyong dala. Iwasan rin ipakita ang mga ito sa pampublikong lugar para hindi maging target ng mga masasamang loob. At kung sakali mang mabiktima kayo at may patalim o baril itong nakatutok, wag mag-atubiling ibigay ang hinihingi kung ayaw ninyo ma-ospital or worse, makita si Lord.

O sige, ingat na lang kayong lahat and God Bless!

: )

I miss my cp.

: (

Monday, July 5

"Malapit na po!"

Riiiiinggg!... Riiiiinggg!... Riiiiinggg!

(sinagot ang cellphone)

Lalaki: hello?... o ser! opo!... a, opo!... ha? malapit na po... oho, nasa SM na po ako.... SM Fairview po... opo.. sige po, medyo trapik po kasi ser e... opo... sige po... sige po...

(binaba)

...

Nakaupo ako sa di kalayuan kung saan nakaupo ang lalaki na pinagtinginan ng ibang pasahero.

Nasa Litex pa lang ang bus.

: )

Ang Nursing Student

Isang hapon sa sakayan, may nakita akong isang dalagang Nursing student na bumili at nagsindi ng yosi. Umuulan pa naman nun kaya lahat ng nasa waiting shed, kasama na ako, ay minalas na mausukan. At habang pinagmamasdan ko syang naghihithit-bugang parang sunog-baga kasama ng ilang kauri nya, naisip ko, hindi ba dapat higit kanino man, mga tulad nilang Nursing student ang nakaaalam ng masamang epekto ng yosi sa kalusugan hindi lamang ng naninigarilyo kundi pati na rin ng mga nakalalanghap ng usok nito

Pero hindi ito ang unang beses na nakakita ako ng medical-related human being na nagyoyosi. Ilang taon na ang nakararaan, may nakasakay ako sa bus na nagsindi ng yosi at humithit na parang sunog-baga. Nalaman ko, base sa nakaburda sa uniform nya na isa siyang empleyado ng Lung Center of the Philippines.

: (