Tuesday, December 30
Sign
Sabi ko, pag may nakita akong dalawang maya na magkatabi, ang ibig sabihin noon ay oo. At kapag tatlo naman ay hindi.
Isang linggo ang lumipas ay nakita ko yung sign. Pero magulo.
Paglabas ko ng bahay, agad kong nakita yung dalawang maya sa bubong ng kapit-bahay namin. Pero wala pang isang segundo ay may lumapag na isa pang ibon sa tabi nila at maya-maya'y sabay-sabay silang lumipad.
Anong ibig sabihin nun? "BAHALA KA MAMILI?"
: )
ABS-CBN, itinangging gagawa ng remake ng Twilight
Ang tanong ko ngayon, saan galing ang poster na ito?
: )
Friday, December 26
Moonlightlupa
Wednesday, December 17
Spell "TWILIGHT"
Magtatatlong linggo ko nang nakikita ang isang kapansin-pansing movie guide board ng NOVA Market (formerly known as Robinsons Novaliches) dahil sa spelling nito ng "TWILIGHT" dahil ang nakalagay dun ay
TWILIGTH
Sayang at laging bitbit ng kapatid ko yung digicam ng kuya ko dahil pag nagkataon na dala ko yun at nandun pa rin ang "TWILIGTH" Hahaha! Siguradong ipapaskil ko yun dito!
: )
Monday, December 15
Curiosity killed the cat
At dahil gusto kong malaman kung kailan ba talaga (kung ngayong Monday ba o sa Friday pa) ang season finale ng Survivor: Gabon, pinuntahan ko yung Wiki article nito at di sinasadya, nalaman ko kung sino ang nanalo. TAE! Na-spoil ko sarili ko! Nalaman ko rin kung ano ang title ng susunod na season ng Survivor, ang Survivor: Tocantins - The Brazilian Highlands.
December 14 ang nakalagay doon na air date ng season finale sa US. Ibig sabihin, ngayong araw dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, mamaya lang ang ipapalabas na ito sa tv.
OW SIYET! KAILANGAN KO NANG UMUWI!
: )
GM at forwarded messages
Kung may cellphone ka malamang nakakatanggap ka kahit isa sa dalawang yan. Hindi ko alam sa inyo pero kapag nakakatanggap ako ng GM, naiinis ako. Pag forwarded messages, ayos lang. Jokes, mas ayos. Pero pag GM, binubura ko agad.
Madalas kasi, hindi ka naman kasama doon sa text na ipinadala sa'yo. Para kang nagbabasa ng dalawa o higit pang tao na nagcha-chat pero hindi ka talaga kasama. Yung tipong...
kamote-usta n u?
sitaw-ganda ung movie knna noh?
patola-bat bgla u nwla knna?
at s lhat MAINGGIT KAYO SA'KIN!
Yung unang tatlong linya, madalas ganyan ang mababasa mo, yung huli, joke lang yan. XD
Ang group message o mas kilala sa texting world na GM ay iyong pagpapadala ng mensahe sa pili (o minsan sa lahat) na nasa contacts list ng iyong cellphone. Ang madalas nitong laman ay mga personal na mensahe at opinyon ng nagpadala sa halos lahat ng bagay. Kasama ka man o wala, basta pinadalhan ka, wala kang magagawa. Matatapos ang mensahe sa mga katagang "txt txt tau! GM"
Ang forwarded messages naman ay iyong mga quotes, jokes, chain letters and anything else in between. Madalas akong magkalat ng jokes kasi gusto ko lahat mag-smile kahit walang Coke. Minsan lang ako magpasa ng love quotes kasi pakiramdam ko, emo yung mga nagkakalat nun. At hinding-hindi ako nagfo-forward ng mga chain letters.
Kapag nakatanggap kayo nung mga text na tinatakot kayo (kunwari mamamatay ang kuko mo pag di mo pinasa ang text sa 365 people o kaya sasara ang pwet mo pag di mo pinasa sa 35 marsians ang text na natanggap mo), wag niyo nang ipasa. Burahin niyo na lang agad. Tatawagin ko kayong utu-uto kapag nagpaloko kayo sa ganyang mga chain letters. Tandaan ninyo na tanging video lang ni Sadako ang nakamamatay in just 7 days.
Kung tutuusin, wala namang masama sa GM at forwarded messages. Depende na lang yun sa nakatanggap. Minsan dapat matuwa ka pa nga kasi naalala ka nilang i-text. Pero minsan, hindi ka naman talaga naalala. Nagkataon lang na nandun ka sa contacts nila nung nagkalat sila ng GM.
Pero one thing's for sure. Tuwang-tuwa yung mga cell networks sa bawat load na nagagastos mo.
: )
Saturday, December 13
So totoo pala yung leak
Napatunayan kong totoo ang nakuhang leak sa isang showbiz-oriented website at pinost ko dito three months ago tungkol sa Survivor Philippines.
Nalaman ko lang kasi kanina sa isang kaibigan na si JC nga ang nanalo at pareho ito doon sa leak na aking nakuha.
: )