Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, November 28

"Ma, bayad o!"

Paano ka mag-abot ng bayad sa jeep? Katulad ba ng title ng blog entry na ito? E kung nasa dulo ka ng jeep, ganyan ka rin ba mag-abot ng bayad?

Hindi ko inaabot ang bayad ng mga taong ganyan ang sinasabi. Kasi hindi naman ako yung driver. Nakikiabot lang sila. Wala akong paki kahit mangalay pa sila kakaabot.

Kapag ako kasi nagbabayad, "Makikisuyo lang po." o "Pakiabot lang po." ang sinasabi. Hindi ba't mas magandang pakinggan yun kaysa "Ma, bayad o!" na para bang ikaw yung driver ng jeep. Pwede pa siguro kung magkatabi kayo nung driver.

Kaya sa susunod na sasakay ka ng jeep, siguraduhin mong makikisuyo at makikiabot ka ng bayad.

: )

Friday, November 21

Kill him! Kill him!

Kanina lang ay nabasa ko itong interesanteng article tungkol sa mga dapat mawalang tv characters sa US television. At sa lahat ng mga nasa listahan, isang pangalan ang lumutang sa lahat -- si Mohinder Suresh ng Heroes.


Ayon sa kanila...

"There are a million things we'd like to get rid of on "Heroes" (Can this show ever get back to its Season 1 glory days?), but let's start with the obvious, most-glaring: Mohinder Suresh. For a supposedly intelligent scientist, Mohinder has done the dumbest things. He's indecisive, and what's worse is that he's clueless when he finally does make those critical decisions. His idiotic actions make no sense and have turned him into an irritating character. Just hearing his voice with its fake accent annoys us, and it doesn't help that he narrates the opening and closing of each episode. It seems that no one ever dies on "Heroes," but if they ever do, the first to go should be Mohinder."

Just click here para makita yung ibang nasa listahan.

Personally, pagkatapos kong mapanood yung first episode ng "Villains" ay nainis talaga ako doon sa ginawa ni Mohider sa syringe. Isaksak ba naman sa sarili! Hindi naman ganun si Mohinder sa first 2 seasons di ba? Para tuloy siyang si Sylar nung first episode. Sana tinuluyan na lang siya ni Maya.

: )

Thursday, November 6

Landmine

Nakaapak ka na ba ng tae ng aso sa daan? Di ba nakakainis? At mas lalo kang maiinis kung may mahalaga ka pang pupuntahan. Nakaka-bad trip hindi ba?

Sino ba ang dapat sisihin kapag nakaapak ka ng tae sa kalye? Yung aso ba? Yung may-ari ng aso? O ikaw mismo dahil hindi mo tiningnan ang iyong nilalakaran kaya ka naging biktima sa daan.

: )

Nasayang na Milo

Isang Sabado ng umaga, habang ako’y nag-aalmusal ay nagtimpla ako ng mainit na tsokolate na mas kilala sa tawag na Milo. Nang ito’y handa na, agad ko itong ininom. At agad ko rin itong iniluwa (katulad ng mga eksena sa pelikula), hindi dahil ito’y mainit kundi dahil ito’y maalat.

Asin pala at hindi asukal ang aking nailagay sa inumin kong tinimpla. Bakit kasi magkamukha ang asin at asukal? Nasayang tuloy yung Milo. Walang uminom nito, maski aso namin tinanggihan ito.

Lesson learned: wag pagtatabihin ang asin at asukal dahil hindi maganda ang resulta kapag napagpalit mo sila.

: )

Saturday, November 1

Di nakatiis

Last Sunday, habang nagluluto si Papa ng ulam namin ay binigyan siya nung kapit-bahay naming kumpare niya ng isang bote ng red horse. Hindi ko alam kung anong meron pero sagot raw niya ito.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao sa bahay na ako’y umiinom. Dalawang beses na rin akong umuwi sa bahay na parang wala sa sarili. Kaya naman hindi ko matiis na tingnan yung bote ng red horse habang inuunti-unti ito ni Papa.

Ngunit sinabi ko sa sarili ko na kung makikita ako ng mga nakababata kong kapatid na umiinom ng beer e baka magsilbi akong isang masamang halimbawa sa kanila. Pero naisip ko rin na hindi ba’t ganun mismo ang ginagawa ni Papa?

Kaya nang inilapag ni Papa yung bote sa lamesa at nakita kong may laman pa, nilapitan ko yung bote at sinabing:

“Akin na lang to, Pa ha?”

: )

Sunflower crackers for me and for you!

Nilinaw na ng BFAD na melamine-free ang LAHAT ng variants ng Sunflower crackers at cream sandwiches. Ibig sabihin, ligtas nang kainin ang lahat ng produkto ng Croley Foods Manufacturing Corp., ang gumagawa ng Sunflower products.

Matatandaang naglabas ng statement noong nakaraang buwan ang Hong Kong Center for Food Safety (CFS) kung saan lumabas na positibo sa melamine ang Sunflower Blueberry Cream sandwich sa isinagawa nitong testing. Negatibo naman sa parehong melamine testing ang Sunflower mango cream sandwich, Sunflower orange cream sandwich, Sunflower strawberry cream sandwich at Sunflower crackers chicken flavor.

Malaking misteryo naman ngayon kung paano nag-positibo sa melamine ang Sunflower blueberry cream sandwich sa Hong Kong CFS gayong negatibo naman ito sa test ng BFAD. Kasalukuyan ngayong naghihintay ng paliwanag ang BFAD mula sa CFS sa isinagawa nitong paraan ng testing at kung paano nag-positibo sa melamine ang Sunflower blueberry cream sandwich.

: )

Exterminate Expiration Date

Matagal na akong naiinis sa maikling validity period ng cellphone loads sa lahat ng networks. Ang P15 load sa Smart ay valid lamang for 1 day. E paano kung di ka naman pala-text? At sabihin nating 2 or 3 times ka lang nag-text, e di masasayang lang ang ni-load mo dahil nga mag-eexpire ito within 24 hours!

Hindi yata makatarungan na automatic na mawawala ang remaining load balance mo once na dumating ang expiration date nito sapagkat binayaran mo na ito. Kapag nag-expire ang unused load mo, para kang nagbayad ng system loss sa Meralco. Nasayang lang ang pera mo. Pero syempre, kung adik ka sa text at lagi kang unli, di yan problema sa’yo. Wala namang tumatagal na load sa’yo e.

Isa pang service na may di makatarungang maikling validity period ay ang Sulitxt15 ng Globe at Alltext20 ng Smart. Sa halagang P15 at P20, may 100 texts ka na sa kaparehong network. 1 day validity sa Globe at 2 days naman sa Smart. Siguro wala kayong nakikitang mali dito, pero hindi ba’t limited lamang sa 100 texts ang service na ito? Bakit di na lamang alisin ng mga networks ang 1-day validity period at hayaang maubos ng subscriber ang 100 texts na sya naman talagang in-avail nito sa simula pa lamang. Tutal, once na magamit lahat ng 100 texts tapos na rin ang service. There’s no need for an expiration date. Sa kaso naman ng unlimited text service, natural lang na may validity period ito. Abuso na yun pag wala.

Sana mabasa to ng mga taga-Smart, taga-Globe, at taga-Sun. Tanggalin nyo na ang expiration dates sa regular load ninyo. Gawin nyo na ring P0.50 ang halaga ng bawat text message. At utang na loob, wag nyong hahayaang lagyan ng gobyerno ng tax ang texting kung ayaw nyong mag-expire ang business nyo.

: )

"Tingnan mo kasi!"

Isang tanghali pagsakay ko sa bus ay may nakatabi akong isang lalaking bulag at kasama nitong maingay na babae. May kasama rin silang isa pang pares ng bulag at maingay ring babae na nakaupo naman sa aming likuran.

Sa tv ng bus, pagkatapos ng Game knb? ay sumunod agad ang opening song ng Wowowee. Sa kasamaang palad ay nakisawsaw sa kasiyahan ang mga katabi ko. Daig pa studio audience. Nang magsimula ang “hep-hep, horay!” segment ay kaagad na pinuna nung babaing maingay si Pokwang.

BABAING MAINGAY: mukhang tanga talaga yan si Pokwang.

BULAG: bakit naman?

BABAING MAINGAY: tingnan mo kasi!

Laking pasalamat ko nang nakababa na ako ng bus.

: )

Itlog ng pugo

Sa tuwing sumasakay ako ng bus pauwi, hindi nawawala ang mga naglalako ng itlog ng pugo kapag humihinto ang bus sa SM at Tungko. At sa paglipas ng mga taon, hindi nagbago ang presyo nito na P10 bawat supot. Pero dahan-dahan namang kumokonti ang laman nitong itlog.

Noong P8/liter pa ang diesel (yes kids, tama ang inyong nabasa), 10 pirasong itlog (kasama yung asin) ang kapalit ng P10 ibinayad mo. Nang pumalo sa P15/liter, 9 na lang. 8 itlog na lang nang naging P25/liter ang diesel. At ngayong naglalaro sa P43-45 ang bawat litro ng diesel, hulaan mo kung ilang itlog na lang ang laman ng bawat supot.

Anim. Anim na itlog ng pugo na lang (kasama yung asin) ang makukuha mo sa halagang P10. Andami no? Sana ngayong nasa P38 level na ang diesel, maging pitong itlog na sana ang laman ng bawat supot.

Buti pa ang fishball, P0.50 each pa rin.

: )