Sabi ng mga Health officials, tumaas raw ng 36% ang mga nabiktima ng Dengue ngayong taon. At pinangangambahang tumaas pa ito dahil nagsisimula na ang tag-ulan. Dahil diyan, pinapayuhan ang lahat na laging maglinis ng paligid. Palitan ang tubig sa mga flower vase at laging takpan ang mga pinaglalagyan ng tubig tulad ng drum at planggana. Iwasan rin na pumunta sa ilang lugar na may "stock water" na dulot ng pagbaha. At higit sa lahat, laging mag-ingat.
Kabilang sa mga sintomas ng Dengue ay ang mga sumusunod:
- mataas na lagnat na maaaring tumagal ng dalawa hanggang siyam na araw
- pananakit ng kalamnan
- pananakit sa likod na bahagi ng mga mata
- panghihina
- mapupulang rashes sa balat
- sa sandaling mawala ang lagnat ay susundan naman ito ng pagdurugo ng ilong
- pagdurugo ng gilagid
- kulay-kape na suka
- maitim na dumi
Kung sa tingin mo ay may Dengue ka o ang iyong kakilala, sumugod agad sa ospital para ito'y maagapan.
Hindi biro ang Dengue. Marami na ang napatay ng sakit na ito. Kaya ikaw, mag-iingat ka.
: )
No comments:
Post a Comment