Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Friday, May 30

Lethal Combination

Yan ang hindi ko nagustuhang title ng boxing event nila Manny Pacquiao at David Diaz. Gaganapin ito sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada. Lethal Combination. Ang baho.

Pag nanalo si Pacquiao dito, siya na ang magiging kauna-unahang Asian boxer na magkakamit ng apat na world titles sa apat na weight divisions.

Pag si Diaz naman, mapapatunayan niya na hindi lahat ng Mexicano ay kayang talunin ni Pacquiao.

Kung sino sa kanila ang mawawagi, ating malalaman sa darating na June 28.

: )

Olga Kurylenko, the next Bond Girl

Siya na nga ang susunod na Bond Girl sa Quantum of Solace na ipapalabas sa mga sinehan ngayong Nobyembre na!

Marami pa akong nakitang mas...mas..mas magandang pics niya pero para mabasa ng mga bata ang entry na ito, yan na lamang ang pinili ko.

: )

Mag-ingat sa Dengue

Sabi ng mga Health officials, tumaas raw ng 36% ang mga nabiktima ng Dengue ngayong taon. At pinangangambahang tumaas pa ito dahil nagsisimula na ang tag-ulan. Dahil diyan, pinapayuhan ang lahat na laging maglinis ng paligid. Palitan ang tubig sa mga flower vase at laging takpan ang mga pinaglalagyan ng tubig tulad ng drum at planggana. Iwasan rin na pumunta sa ilang lugar na may "stock water" na dulot ng pagbaha. At higit sa lahat, laging mag-ingat.

Kabilang sa mga sintomas ng Dengue ay ang mga sumusunod:

  • mataas na lagnat na maaaring tumagal ng dalawa hanggang siyam na araw
  • pananakit ng kalamnan
  • pananakit sa likod na bahagi ng mga mata
  • panghihina
  • mapupulang rashes sa balat
  • sa sandaling mawala ang lagnat ay susundan naman ito ng pagdurugo ng ilong
  • pagdurugo ng gilagid
  • kulay-kape na suka
  • maitim na dumi

Kung sa tingin mo ay may Dengue ka o ang iyong kakilala, sumugod agad sa ospital para ito'y maagapan.

Hindi biro ang Dengue. Marami na ang napatay ng sakit na ito. Kaya ikaw, mag-iingat ka.

: )

Thursday, May 29

Pinoy Idol Fever(?)

Hindi ako nanonood ng Pinoy Idol pero nabalitaan ko lang na Pinoy Idol is not doing well.

Marami raw itong natatanggap na negative reviews and feedbacks na hindi ko pa nababasa.

Hintayin niyo't babasahin ko.

: )

PBA on ABS-CBN, di na tuloy

Nabalitaan kong hindi pala matutuloy ang TV coverage ng ABS-CBN sa susunod na season ng PBA. Umatras na sa kanilang bid ang ABS-CBN matapos paboran ng PBA board ang alok ng Solar. Gayunpaman, hindi pa rin nasisiguro kung sa Solar nga ipagkakaloob ang franchise ng PBA dahil may isa pang company raw ang handa ring mag-bid para dito.

Ano kayang mangyayari? Malalaman rin natin.

: )

Date-rape

Ang eksena: isang dalaga ang niyayang makipag-inuman sa ilang kaibigang lalaki. Dahil may tiwala, sumama at uminom. Di nagtagal, nahil at tuluyang nakatulog. Nang magising, wala na siyang saplot sa katawan at kanyang nalaman na siya'y ginahasa.

Hindi lang sa teleserye nangyayari yan. Maski sa totoong buhay, may nabibiktima niyan. Minsan pa nga, kinukunan pa ng video at nagiging sex scandal.

Nitong nakaraang linggo lang, may napabalitang halos ganito rin ang kinahinatnan. Kasintahan ng dalaga ang mismong nagyaya ng inuman. Sumama at nakipag-inuman ang dalaga sa mga kaibigan ng lalaki. Maya-maya'y nahilo siya at nakatulog. Nang siya'y magising, biktima na siya ng gang rape.

Alam kong hindi ito ang magiging huling kaso ng inumang nauuwi sa rape o date-rape. Hangga't may mga babaeng hindi nag-iigat at mga lalaking nananamantala, mauulit at mauulit ang ganitong mga eksena.

Sana'y magsilbi itong aral sa lahat lalung-lalo na sa mga kababaihan.

: (

Kung ayaw gawing libre, bawasan!

Sang-ayon ako sa isinusulong ni Sen. Jinggoy Estrada na gawing singkuwenta sentimos (P0.50) na lamang ang text mula sa kasalukuyang halaga nito na P1.

Kung hindi nga namang puwede na gawing libre ang text, mas mabuting ibaba na lamang ang halaga nito. Siguro naman kahit papaano hindi na aangal ang mga Giant Networks dito dahil kikita pa rin sila ng malaki.

At kung mangyayari ito, tiyak na mababawasan ang pasanin ng mga Pinoy.

: )

Mga dinaanan ng Amazing Race 13

Nabasa ko ngayon lang na natapos na filming ng Amazing Race 13. Pero syempre, hindi ko yan makukumpirma.

Balita ko mula sa Los Angeles at Chicago, USA, nagpunta ang mga teams sa Brazil. Tapos sa Bolivia, then dumaan sa Chile. Mula doon, nagpunta sila sa Auckland, New Zealand, then sa Cambodia. Tapos sa India pero dumaan sila ng Bangkok, Thailand. Dumaan rin daw sa Dubai at derecho na somewhere ni Russia. At ang final destination raw ay sa Portland, Oregon, USA.

Sa tancha ko, halos 23 days ang race. Pero tulad ng sinabi ko, hindi ko makukumpirma ang lahat ng yan hangga't hindi pa umi-ere yung mismong show.

Abangan na lang natin sa September.

: )

Monday, May 26

Tama ng bala, hindi makita-kita

Naiinis ako sa mga local shows and films dito sa Pinas lalo na pag action at barilan na ang eksena. Paano ba naman, imbes na mararamdaman mo yung thrill na dulot ng action scene, mabubwisit ka lang kapag nakita mong hindi naman tumatama yung suntok nung bida dun sa kalaban. At kapag barilan na yung eksena, wala kang makikitang bullet holes at dugo sa mga nababaril! Pumuputok lang sa likod! Sino ba namang hindi maiinis dun?

No offense sa mga local movie-goers pero talagang mas maganda gumawa ng action ang mga kano. Mararamdaman mong nasuntok talaga siya nung bida! Makikita mong tinamaan siya ng bala! Pag may sumabog, sabog talaga! At kahit alam mong may daya, hindi mo masasabing ika'y dinaya.

: )

Saturday, May 24

Libreng Text

Nabalitaan niyo ba na gusto ng DOTC na gawing libre na ang text messaging sa bansa? Seryoso! Hindi ko alam kung anong tumama sa ulo ni Secretary Leandro Mendoza at naisip nila yun pero kung matutupad ito, lalong matutuwa ang mga Pinoy.

Pero alam naman natin na siguradong tututol dito ang 3 Giant Networks sa bansa. Malulugi nga naman sila. Tayo pa naman ang Texting Capital of the World at sa milyun-milyong text na ipinapadala araw-araw dito lang sa bansa, milyun-milyon rin ang kinikita ng mga Networks. Papayag ba silang maging libre ang mga ito?

P1 hanggang P2.50 ang halaga ng bawat text na nase-send. Kung magiging libre ito, makakabili na tayo ng bigas!

: )

Nakakain ka na ba ng kapwa mo?

Siguro naman hindi pa unless carnivorous ka. Pero walang kinalaman sa pagkain ng tao ang ikukwento ko sa inyo ngayon...

Isang araw noong nakaraang taon, nagkaroon ng session (inuman) ang members ng House of Representatives (mga ama ng tahanan) dito sa amin. At hulaan mo kung ano ang pulutan? Aso. Adobong aso to be exact. Kinatay nung kapit-bahay namin yung aso nilang minsang kumagat sa anak at apo niya. Sa sobrang galit niya siguro kaya niya kinatay. Bale nang maluto, nag-uwi si Papa ng kaunti para matikman namin. Yung natirang butom binigay namin sa aso.

Sinabi ko kay Princess (aso namin) na aso yung kinakain niya pero mukhang hindi niya ako naintindihan. Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang nakakain siya ng kapwa niya aso noon? Ikaw, anong gagawin mo kapag nalaman mong nakakain ka ng kapwa mo tao?

: )

Tandaan: hindi artista search ang Survivor

Nabalitaan ko na karamihan sa mga nag-audition para sa Survivor Philippines ay walang alam tungkol sa Survivor. Marami ang nag-akala na isang artista search ang pinilahan nila, may kumanta pa ata. Maski ang production staff raw ay nagulat sa dami ng nag-audition. Open to all kasi at 18 to 60 years old ang age limit. Yun nga lang, wala talaga silang alam kung ano ang sinasalihan nila.

Nalaman ko rin na tulad ng ibang local franchise ng Survivor, hindi raw sa Pilipinas iti-tape ito. Ang balita ko, dito rin lang sa Asia. Di siguro kaya ng budget kaya sa malapit lang.

Ano kayang kahihinatnat ng programang ito? Sa totoo lang, ewan ko.

: )

Friday, May 16

24 season 7 cast

Apat lang ang kilala ko diyan: yung apat sa harap. Yung mga nasa gilid, wala akong ideya. January 2009 pa ito nakatakdang isalang. Kasalanan nung strike. Hay, nakakainip maghintay.

: (

Survivor Gabon and Survivor 18

Sa pangalawang pagkakataon, sa Africa iti-tape ang 17th season ng Survivor. Sa September or October ito ipapalabas ngayong taon.

Samantala, may nabasa naman akong tsismis na sa 18th season ng Survivor, tanging mga below the age of 21 lamang ang mga makakasali.

Ano yun? Teen Edition?

: )

At tulad ng inaasahan...

Si Paolo Bediones nga ang napiling host ng Survivor Philippines. Ayon naman sa kanyang sariling bibig, P3,000,000 raw ang prize ng mapipiling Sole Survivor. Ang laki di po ba? Pero alikabok lang yan kung ikukumpara sa $1,000,000 ng US version.

Ngayong taon rin inaasahang magsisimula ang Survivor Philippines. 39 days rin daw. 16 castaways naman ang laman. Pero kung saan magaganap, Diyos lang ang may alam.

Palagay ko sa Palawan.

: )

The Nine

Nitong umaga lang, mga 9AM ay may naganap na karumaldumal na krimen sa isang RCBC bank sa Cabuyao, Laguna kung saan 9 na tao ang pinatay ng mga nanloob sa nasabing bangko.

Nakilala ang mga napatay na sila Roberto Castro, Ferdinand Antonio, Teresita Umayam, Noel Miranda, Juan Layva, Bernardo Lapaan Jr., Baltazar Aguilando, Olga Gonzales at Benjamin Nicdao. Karamihan sa mga biktima ay mga empleyado ng bangko.

Pinaniniwalaang inside job ang naganap at malamang kilala ng mga biktima ang mga suspek kaya sila pinatay. Lahat ng biktima ay may tama ng bala sa ulo.

Sa ngayon, bumuo na ng isang task force ang mga pulis para sa ikalulutas ng karumaldumal na krimen na ito.

: (