Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Tuesday, April 29

Karambola sa Palasyo

Laman na naman ng balita si Madam President dahil usap-usapan sa palengke ang plano nitong mag-reshuffle sa kanyang cabinet.

Sinu-sino at kani-kanino kaya mapupunta ang mga damit sa cabinet ni Ate? Isang Atienza na naman ba ang uupo sa DENR? Magbabago na naman ba ang tagapagsalita ng pangulo? At mga loyal sa Pangulo'y muli kayang mabibigyan ng pwesto?

Abangan sa lalo pang nag-iinit at nagiging kapanapanabik na MALACANANG BIG SISTER CABINET EDITION!

: )

Wednesday, April 23

Fear Factor Philippines

At dahil may Survivor ang GMA, pinaniniwalaang nakuha raw ng ABS ang rights para gumawa ng local version ng Fear Factor.

...

...

...

...

Wala akong masabi.

Seryoso.

: )

JLo, natabunan ng bigas?

Nakikita niyo pa ba si Jun Lozada? Ako kasi hindi na. Bigla na lang siyang naglahong parang bula. Once in a while nababalita siya pero matatabunan naman ng tungkol sa bigas.

Bigas. Ang pinakamainit na star sa ngayon na daig pa si MariMarian sa kasikatan dahil sa sobrang mahal. Ang dahilan kung bakit nakalimutan ng lahat ang ZTE-NBN scandal. Ang bagay na kailangan ng tiyan na hindi na masikmura ang halaga ng iilan.

Magkano na ba ang kilo ng pinakamurang commercial rice ngayon? Dito sa'min, P32 at P33. Malayung-malayo sa dating nitong presyong P20 pataas.

E magkano naman yung sangkot na halaga doon sa ZTE scandal? $394 Million.

Sa mga halagang nabanggit, alin ang mas may pakialam ka?

Ako? Sa presyo ng bigas.

Nakita mo yung epekto ng pagmahal ng bigas? Kahit ang pinakamabahong anomalyang kinasasangkutan ng gobyerno ay malilimutan mo kapag nalaman mong nagmamahal ang ipapakain mo sa pamilya mo. Malilimutan mong nagnanakaw ang mga matataas nating opisyal sa kaban ng bayan. Malilimutan mong mas masahol pa sa presyo ng bigas ang mga pinaggagagawa nila. Malilimutan mong niloloko ka ng mga taong iniluklok mo sa pwesto.

Sana, kahit mawala si Jun Lozada, wag nating makalimutan kung ano ang naging dahilan ng kanyang paglitaw. Wag rin sana itong mabaon kasama niya sa pagmahal ng bigas.

: (

Tuesday, April 15

Signos ng GMA, parang The Inconvenient Truth ni Al Gore

Sa Linggo, Abril 20, ipapalabas sa GMA ang kanilang docu special tungkol sa Global Warming, ang Signos: Banta ng Nagbabagong Klima - A GMA News And Public Affairs Special.

Sa title pa lang, halata nang base ito sa The Inconvenient Truth ni Al Gore. Pero syempre, hindi lang naman si Al Gore ang nagsimula ng mga ganitong docu tungkol sa Global Warming. Nagkataon lang na yung kay Al Gore yung mas popular. Pero ganun pa man, alam kong ganito rin ang magiging laman nung Signos ng GMA.

Wala naman akong nakikitang masama kasi kahit papaano, may maibibigay itong impormasyon sa mga Pinoy kung ano ba ang Global Warming. Kasi kung tutuusin, hindi tayo kasama sa mga may gawa nito sa mundo na pinangungunahan ng China, Middle East, at America. Kasama tayo sa mga biktima.

Kung bakit mas mainit ngayon kaysa dati, dahil ito sa Global Warming.

Kung bakit anlabo ng panahon ngayon di tulad ng dati, dahil ito sa Global Warming.

Kung bakit natutunaw ang ice sa Timog at Hilaga, dahil ito sa Global warming.

Sana lahat tayo, alam kung ano ang Global Warming.

: (

Noli at BF, nagpaparamdam rin

Dalawa pang Presidentiables ang nagpaparamdam sa taong-bayan kahit sa 2010 pa ang eleksyon. Yung isa, may Pag-ibig house loans tv ads. At yung isa, makikita mo sa kahabaan ng EDSA.

Si Noli at si Bayani Fernando. Dalawang public officials na malamang tumakbo sa pagka-Presidente sa susunod na eleksyon. Sa kanilang dalawa, si BF pa lang ang umaming tatakbo siya sa 2010. Makapal kasi ang mukha niya. Si Noli naman, tulad nila Loren at Mar, nagpaparamdam pa lang.

Pulitika nga naman sa bansa, BULOK.

: (

Jonas Sisters

Madalas kong marinig sa radyo yung kantang "When you look me in the eye," at sa tuwing sinasabi nung dj na Jonas Brothers yung kumanta, hindi ako naniniwala.

Sa tingin ko, Jonas Sisters sila kasi babae yung kumakanta dun sa "When you look me in the eyes," rinig na rinig naman e. Unless, Jonas Brothers sila pero may kapatid silang babae sa banda.

Dapat pala, Jonas Siblings.

: )

Thursday, April 10

Survivor Philippines

May napanood ako kaninang trailer sa GMA7.

Narito na raw sa bansa ang original na reality show.

Tapos lumitaw yung logo ng Survivor Phippines with matching theme song ng Survivor.

Malapit na raw.

...

Kaso hindi ako excited.

Magmumukha lang Extra Challenge yun at sigurado akong si Paolo Bediones ang host nun.

Sa pagkakaalam ko, lahat ng mga local versions ng Survivor sa buong mundo ay hindi nag-hit sa kani-kanilang respetadong bansa. Mas maganda kasi yung US version. Nagmumukha lang kasing peke kapag locally-made kahit sabihin pang official.

Wheel of Fortune, Whammy at ngayon, Survivor. Ano kaya susunod? Malabo na ang Amazing Race dahil meron na sa Asia.

The Apprentice kaya?

: (

Playboy Philippines

Lumabas na ang unang Playboy magazine sa bansa at hindi naging maganda ang pagtanggap ng ilan dito.

Kase yung mga nag-aasam na makakita ng hubad, nadismaya.

At yung mga konserbatibo’t moralistang grupo naman, nagalit.

Hay.

: )

Wednesday, April 9

Post-Harry Potter and the Deathly Hallows details

OO! NGAYON KO LANG NABASA YUNG LIBRO! WAG KA MAYABANG! E SA WALA AKONG P1450 NOON E! HINDI NAMAN MASAMANG HUMIRAM KAYA NAGHINTAY AKO!

Anyway..

At dahil bitin ako sa ending (Epilogue) ng Book 7, nag-research ako sa mundo ng kabihasnan. At sa ilang araw kong paglilibot, heto na ang mga nakalap ko:

Spoiler Alert:
The following information reveals some key plot points in the final Harry Potter book. So if you've haven't finished the book, wag ka nang tumuloy...

  • Tatlong titles pala ang pinagpilian ni Rowling para sa Book 7 pero nagdesisyon siyang Deathly Hallows na lang. Yung dalawa pa ay Harry Potter and the Elder Wand at Harry Potter and the Peverell Quest.
  • Ang buong pangalan ng mga anak nila Harry at Ginny ay James Sirius, Albus Severus, at Lily Luna.
  • Sa hindi nakaaalam, si Victoire ang anak nila Bill at Fleur. May 2 pa silang anak, sila Dominique at Louis.
  • Tanging si Hermione lang sa tatlo ang tumapos ng 7th year niya sa Hogwarts.
  • Natagpuan nga pala ni Hermione ang mga magulang niya sa Australia at tinanggal nya yung spell na nilagay niya sa kanila.
  • Nga pala, tulad ng sinabi ni Rowling, bakla talaga si Dumbledore. More than friends ang naging tingin niya kay Grindelwald.
  • Hindi na rin nakakapagsalita ng Parseltongue si Harry simula nang mawasak ang Horcrux sa kanya.
  • Naging Auror si Harry and after sometime, naging Head siya ng Department.
  • Naging Auror rin si Ron at sinamahan nya si Harry pagkatapos niyang magtrabaho sa joke shop nung twins, ang Weasleys' Wizard Wheezes.
  • Speaking of twins, naging asawa ni George si Angelina Johnson at nagkaroon sila ng 2 anak: si Fred at Roxanne. Obviously, para sa kakambal niya yung una.
  • Hindi si Luna at Neville ang nagkatuluyan. Si Luna, may pinakasalang nagngangalang Rolf, apo ng isang sikat na naturalist na si Newt Scamander. Makikita nyo pangalan niya sa Book 1. At si Neville, si Hannah Abbott naman, isang Hufflepuff sa kanilang year.
  • Sa lahat ng Weasleys, si Charlie lang ang walang asawa. Si Percy, isang nagngangalang Audrey ang pinakasalan at nagkaroon ng 2 anak: si Molly at Lucy. Obviously, galing sa nanay niya yung pangalan nung una.
  • Naging permanent Minister of Magic si Kingsley.
  • Nakulong si Umbridge.
  • Unfortunately, Cho Chang married a Muggle.
  • Nagkaroon rin sa wakas ng permanent Defence Against the Dark Arts teacher sa Hogwarts. Hindi ko nga lang kilala. Paminsan-minsan raw ay bumibisita si Harry sa Hogwarts para magturo sa DADA class.
  • Tulad ni Umbridge, hindi rin nagkaroon ng portrait si Snape sa Headmaster's office dahil iniwan niya yung post sa "The Sacking of Severus Snape." Pero pursigidong idagdag ni Harry ang portrait ni Snape dun.
Kung ayaw niyong maniwala, bahala kayo. Galing naman sa http://www.msnbc.msn.com/id/19959323/ at http://www.bloomsbury.com/harrypotter/content.asp?sec=3&sec2=1 yang mga yan. At yung iba, sa Website ni J.K. Rowling. Pero kung gusto mong mas madali, sa Wikipedia

Balita ko, balak rin daw maglabas ni Rowling ng mala-Encyclopedia tungkol sa Harry Potter. Kasama na rito ang ilang details after ng Deathly Hallows tulad ng mga nailista ko sa itaas.

: )

Wednesday, April 2

Quantum of Solace pala ang susunod

Na title ng next 007 film.

Si Daniel Craig pa rin si James Bond at sa November ang schedule.

Ewan ko kung ano ang kwento pero sigurado (at sana) may mga bagong super hi-tech na gamit na naman si James Bond!

: )

Halo-Halo

Mainit na naman ang panahon! Kahit di ka gumagalaw, papawisan ka! At dahil mainit, madali kang matutuyuan ng lalamunan!

At ano ang pinakatugmang kainin tuwing mainit ang panahon maliban sa ice cream?

Halo-Halo!

Kaya punta na sa pinakamalapit na nagtitinda ng Halo-Halo at mamalat kakakain nito!

: )