Kahapon pagsakay ko ng bus pauwi, may nangyaring nakakainis.
Pag-upo ko doon sa pinakalikod (dahil doon lang bakante), biglang tumunog yung cellphone ko, may nag-text. Pagkuha ko ng cellphone ko, wala namang text. Tapos narinig ko na naman yung message alert tone at hindi na naman galing sa cellphone ko. Kaya tumingin ako sa paligid at hinanap kung kaninong pasahero nagmula yung same message alert tone. At nakita ko rin sya, malapit lang pala sa'kin, using the same cellphone unit I have, with the same message alert tone.
Hindi ko pinagkakait yung message alert tone. Nakakatawa na nakakainis lang kasi na sa kabuuan ng byahe, sa tuwing tutunog yung cellphone nya, akala ko may nag-text sa'kin. Pero wala naman pala. Haha!
: )
photo from http://www.freeclipartpics.com/freecellphoneclipart.htm
Wednesday, November 24
Friday, November 5
Malikot ang mata
Kahapon pagkagaling ko sa SM Fairview, sumakay ako ng ordinary bus pauwi. Sa likod ako nakaupo (red circle) kasi doon may bakante. Medyo mataas ng konti yung "animan" (tawag sa pinakadulong row sa bus), kumpara sa mga "dalawahan" at "tatluhan."
Nang umandar ang bus, napansin kong tingin ng tingin yung lalaking naka-blue (blue circle) dun sa nakaupo sa bandang harapan ko (pink circle). At dahil medyo mataas yung inuupuan ko e di ko makita yung tinitingnan nya. Out of curiosity, sinilip ko rin yung tinitingnan nya. Inilapit ko ang ulo ko para matanaw ko kung anong meron sa harapan ko. At ayun, nakita ko rin ang sinusulyapan nung lalaking naka-blue - isang dalagang may more-than-average size na mammary glands. Kaya naman pala!
Tsk. Tsk. Tsk. Kasalanan nung lalaki kaya nakita ko yun e. Buti na lang di ako nakita nung dalagang naka-pink.
: )
Subscribe to:
Posts (Atom)