Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Saturday, September 25

Sunday, September 19

Choco na gatas o gatas na choco?

Kanina sa SM Hypermarket, napadaan ako sa "free taste" area. Isa doon ay yung Anchor choco. Nang makakuha ako ng isang cup, biniro ko yung miss doon sa booth. Sabi ko, "choco na gatas o gatas na choco?" At gamit ang lapel mic, sinabi nya, "Actually sir, gatas po sya, chocolate flavor lang. Baka sir gusto nyo subukan, mura lang po."

Pahiya ako. Haha! Ganito siguro dapat ang sagot sa tanong ng Bear Brand!

Pero masarap yung Anchor choco. Yung Bear Brand choco di ko pa natitikman e.

: )

Wednesday, September 8

Sino bang minumura mo?

Isang hapon habang nakatambay ako sa labas ng bahay, bigla akong may narinig na sumigaw.

"Putang ina mong bata ka!" sabi ng lola sa apo nyang may nagawa atang di nya nagustuhan.

Naisip ko lang, hindi naman yung bata yung minura nya kundi yung anak nya e.

Let's interpret:

Putang ina (nung bata) mong bata (yung apo nya) ka!

O di ba.

Parang ganito rin yung narinig ko dati dito rin sa tapat namin.

Sabi naman nung ale sa anak nyang may nagawa atang hindi nya nagustuhan, "Putang ina mong bata ka!"

Teka, di ba sarili nya yung tinutukoy nya?

: )

Saturday, September 4

Tukneneng at Kwek-Kwek

Nakakain ka na ba ng tukneneng o kwek-kwek? Kung di pa, aba'y tikman mo na bago ka kunin ni Lord!


Masarap 'to sa sukang may sili o sweet 'n spicy sauce! Punta na sa pinakamalapit na street food vendor sa inyong lugar!

Anyway, napansin ko lang, orange ang standard color nito. Bakit kaya? Hindi ba pwedeng blue, red or yellow? Siguro dahil nakakagutom talaga ang kulay orange, kaya siguro orange ang kulay ng Jollibee. Nagutom tuloy ako bigla. Hehe.

Sya nga pala, baka nalilito ka, ang tukneneng ay yung maliliit (quail eggs) at ang kwek-kwek naman ay yung malalaki (chicken eggs).

Naalala ko kasi yung mga binibentang sisiw sa kalye, iba-iba rin ang kulay nito kaya mabenta sa mga bata. Bat hindi kaya gawing iba-iba rin ang kulay ng tukneneng at kwek-kwek para lalong bumenta?


Pero syempre, mahirap nga namang gawing iba-iba ang kulay nito dahil yung mga nagtitinda ang mahihirapan. Iba-ibang food coloring at iba-ibang bowl ang kailangan. Dagdag trabaho pa sa kanila yun.

Aha! Mas maganda kung bawat stall, iba ang kulay ng tukneneng! Sa stall 1, red; stall 2, blue; stall 3, green... Pero teka, kakain ka ba ng tukneneng na kulay green?

Ikaw, anong kulay ng tukneneng ang gusto mo?

Ako, red. Hehe.

: )

photos from http://www.thepeachkitchen.com/2009/07/tukneneng-and-kwek-kwek.html and http://www.clubcobra.com/photopost/data/500/2586018-2-colored-chicks.jpg