Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Thursday, February 26

Futurama

Naniniwala ka bang may Future? Yung tipong kapag nag-time machine ka e may makikita kang "Future"?

E yung Past? Naniniwala ka bang maaari pa itong balikan?


Ako, hindi.

Naniniwala ako na walang Future at wala ring Past. At kahit kailan ay hindi maiimbento ang time machine.


Pero pangarap kong sumakay sa time machine.

Napanood nyo ba yung
The Time Machine? Astig yun. Kahit nagawa niyang bumalik sa nakaraan, hindi niya nabago ang kapalaran ng kanyang minamahal. At nang sinubukan niyang pumunta sa hinaharap, kakaiba naman ang kanyang nadatnan.

Kung may Past man, alaala na lang yun. History. At kung may Future man, nakasalalay sa iyo kung anong magiging itsura nito.

Pero sana nga may time machine.

: )

Monday, February 23

Prison Break's last season

Nag-chat kami kanina ni Joel at napag-usapan namin ang tungkol sa 24 at Prison Break. Nasabi ko sa kanya na last season na ng Prison Break yung current season nito at hindi sya agad naniwala. Kaya naman naghanap ako ng article na magpapatunay sa sinabi ko sa kanya, at buti na lang nakahanap ako.

Sa mga nanonood ng Prison Break, siguro alam nyo na 'to, pero sa mga hindi pa, basahin nyo na lang...

Prison Break is going to that great, big slammer in the sky: Fox has announced that its once-signature drama will end its four-season run later this year. Exec producer Matt Olmstead tells EW exclusively that there was ''nowhere to go beyond this season,'' adding that he ''didn't want the show to become a parody of itself.'' Ratings-wise, the decision was easy since viewership is down 22 percent from last year. Luckily, fans will get some closure. Break returns April 17 to air its remaining six episodes. Michael and Lincoln (Wentworth Miller and Dominic Purcell) will finally catch a break -- at a huge cost -- in May's finale. Says Olmstead, ''There will be deaths.'' But since Fox extended Break's 22-episode order by two hours earlier this year, that ''finale'' may not even be the show's last gasp. Olmstead has filmed a couple of extra segments that he says ''address a couple of other storylines [and] can play as a standalone [movie].'' What's more, there are rumblings that Break might get a stay of execution under somewhat different circumstances. Explains exec producer Dawn Parouse, ''I would love to do a show about a women's prison. It would have to be a fresh start -- if not by us, then somebody.''

Galing ang article na ito dito.

Sabagay may point naman sila e. Wala nang patutunguhan kung magkakaroon pa ng bagong season. Ang pangit naman kung makukulong na naman sila. At kung hindi naman sila makukulong, dapat palitan na nila yung title. Sayang nga lang.

Why do all good things come to an end?

: (

Sunday, February 22

Tsambahan na!

Mahaba na naman ang pila sa mga lottohan ngayon dahil ang P288,146,473.20 na jackpot prize noong nakaraang Huwebes ay hindi na naman nakuha!

At dahil dito, posible umanong umabot sa P230 Million (ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas) ang jackpot prize sa gabing ito! Hayup talaga!

Sana manalo ako...kaso di naman ako tumaya...

: )

Wednesday, February 18

Pila-balde

Nakita nyo ba ang pila sa mga lottohan kahapon? Ang galing no? Parang manonood ng concert ko. Pipila rin sana si Mama para tumaya kaso sa sobrang haba nung pila, di na sya pumila.

Umabot na kasi sa P239,242,111.20 ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 kahapon at fortunately, walang nanalo. Ibig sabihin, may pag-asa pa akong manalo sa susunod na draw kung saan inaasahang aabot sa P260 M ang jackpot prize.

Sya nga pala, ang lumabas na combination kahapon ay

07 - 10 - 12 - 16 - 39 - 47

: )

Friday, February 13

HAPPY VALENTINES! from Mayor Buwaya

January pa lang ay nagkalat na ang mga tarpaulin ng mga politiko't trapo sa iba't-ibang panig ng pader at kable ng kuryente na bumabati sa lahat ng "HAPPY VALENTINES!" at sa ibaba nito'y ang pangalan ng buwayang nagpakabit nito.

Wala namang masama sa pagbati nila. Pero kung paano nila ginawa ang pagbati, meron. Hindi naman bobo si Juan dela Cruz para malamang nagpapapansin na ang mga tarpong ito dahil sa susunod na taon ay eleksyon na naman.

Naalala ko tuloy noong panahon ng Pasko, nagkalat ang mga Christmas tarps ni Alfred Vargas. Itaga nyo sa bato, tatakbo yang mokong sa eleksyon.

Pero hindi dyan nagtatapos ang pagpapapansin ng mga politiko. Pagdating ng March, asahan na ninyo ang mga "CONGRATULATIONS, GRADUATES! from Mayor Buwaya"

Ang buhay ng politiko ay masayang tunay, masayang tunay, masayang tunay. Ang buhay ng politiko ay masayang tunay. Masayang tunay.

Hay.

: (

Thursday, February 12

Facebook na pala ngayon

Ayon sa nabasa ko kani-kanina lang, Facebook na pala ngayon ang "most-visited social networking website" sa mundo ng kabihasnan.

Forget Friendster.


Pero wala akong Facebook account kaya no comment ako.

Kung gusto nyo mabasa yung article, JUST CLICK HERE!

: )

Tuesday, February 3

Big winners of the 2009 Australian Open


Mens Final

Rafael Nadal (1), Spain, def. Roger Federer (2), Switzerland, 7-5, 3-6, 7-6 (3), 3-6, 6-2.

Womens Final

Serena Williams (2), United States, def. Dinara Safina (3), Russia, 6-0, 6-3.

: )