Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Tuesday, November 10

May fb ka?

Yan ang tanong sa'kin ni Tim nung nagkita kami last week. Ang sagot ko? Wala.

Bakit daw wala, tanong nya. Sabi ko, ayoko lang. Yung fs at multiply ko nga di ko maasikaso tapos magdadagdag pa ko ng fb? Wag na muna.

Naalala ko dati nung hs pa ko, usong-uso yung fs. Napilitan lang akong subukan kaya gumawa ako ng account. Di naglaon, sumikat naman si Multiply; napanis si fs. At ngayon naman, pinagkakaguluhan ng lahat ang fb, pero hindi ako kasama sa "lahat". Panis na si Multiply, bulok na si fs. Darating ang araw, may bagong mauuso na naman at mapapanis rin si fb, mabubulok si Multiply, at ibabaon na sa limot si fs.

"Mag-facebook ka na kasi!"

Yan ang sabi ni Cyrille sa'kin. Para daw friends na kami. Friends naman kami a, more than friends pa nga e, di pa ba sapat yun? Sabi ko sa kanya, gagawa rin ako ng facebook account... pag sinipag ako.

: )

Monday, September 14

2009 Samsung UAAP Cheerdance Competition

Samsung UAAP Cheerdance Competition Top 3:

FEU Cheering Squad - 86.10%

Ateneo Blue Babble Battalion - 83.40%

UP Pep Squad - 83.10%

Congratulations!

Yung UST Salinggawi Dance Troupe naman bumagsak sa 4th place with 81.00%.

source: Inquirer Sports

: )

Tuesday, March 31

El Car Na Itim

Nagkalat ang mga inuming nagsasabing may "L-Carnatine" sa merkado.

Puno rin ang telebisyon ng ganitong mga produkto.

At dahil maraming Pilipino ang gustong mabilis na pumayat, tiyak na ito'y agad ring mauubos sa pamilihan.

Pero pustahan tayo, walang papayat sa inumin na yan.

Kasi hindi naman nila sinasamahan ng tamang ehersisyo at tamang pagkain.

Ang akala nila, basta uminom sila nun, papayat na sila agad.

Nakakaakit nga naman yung mga 6-pack at sexy curves ng mga models sa commercial.

Sana nga may 6-pack rin ako.

Pero alam naman natin na maghapon-magdamag ang mga yun sa gym.

Kaya ganun na lang ang ganda ng mga katawan nila.

At sigurado akong walang kinalaman ang alin mang inuming may "L-Carnatine" doon.

Kaya't kung gusto mo talagang pumayat, mag-exercise ka araw-araw.

Kumain ka rin ng tama at hindi laging chicken o burger.

At malay natin, baka after 10 years, magkaroon ka rin ng 6-pack o kaya'y sexy curves!

: )

Friday, March 27

I won P5 discount in Jollibee

Madalas ay noodles ang almusal namin sa umaga. At hindi ko sasabihin ang brand ng noodles.

Anyway, may promo kasi ang noodle brand na ito at mukhang nakatsamba kami ng isa. Yun nga lang, parang pampalubag loob lang ang nakuha namin.

P5 discount sa Jollibee?!?! Nagpapatawa ba sila?! Magkano ba ang "VALUE MEAL" sa Jollibee? P60++ di ba? Sa tingin nila malaking tulong to?!

Pambihira naman sila! Kung gusto talaga nila magbigay ng rewards, laki-lakihan naman nila. Yung tipong isang "VALUE MEAL" ang makukuha mo or something na kapareho, hindi P5 discount.

Hanggang ngayon, di ko alam kung gagamitin ko yan. Naisip ko, baka pagtawanan pa ko nung nasa cash register pag pinakita ko sa kanya yan.

: )

Wednesday, March 25

Nakaw kay Joel! Na ninakaw nya kay Jamie! Na...

001. Real name ? Raymond Joseph C. Estadilla
002. Nickname(s) ? Mon, Mond, Mong, Monsky, MonMon, DoRaymon, etc.

003. Status ? It's complicated.
004. Zodiac sign ? Taurus
005. Male or female ? Male
006. Elementary ? Jose Abad Santos Memorial School
007. Middle School ? me ganun?
008. High School ? Jose Abad Santos Memorial School

010. Hair color ? black
011. Long or short ? short
012. Loud or Quiet ? Loud and quiet
013. Sweats or Jeans ? Jeans

014. Phone or Camera ? Camera phone
015. Health freak ? no

017. Do you have a crush on someone? oo

018. Eat or Drink ? Eat then drink afterwards
019. Piercings ? wala e

020. Tattoos ? wala rin.

021. Water or Fire? Water
022. Love of your life or 4 Billion Dollars ? Depende
023. First fear ? doktor
024. First best friends ? isang lalaking nagngangalang Jed. Pero matagal na yun.
025. First award ? Loyalty din ata
026. First crush ? Mara
027. First pet ? Blacky
028. First big vacation ? Yung sa Japan.
030. First big birthday ? Wala. Birthday lang

THIS OR THAT:
031. Orange or Apple Juice? Apple Juice
032. Rock or Rap? Rock
033. Country or Screamo? Country
034. N'Sync or Backsteet Boys? Lotus boys!
035. Britney Spears or Christina Aguliera? Christina Aguilera na lang.
037. Sun or Moon? Moon
038. TV or Internet? Internet.
039. PlayStation or Xbox? Xbox.
040. Kiss or Hug? kiss
041. Iguana or Turtle? turtle
042. Spider or Bee? singing bee
043. Fall or Spring? Fall.
044. Limewire or iTunes? iTunes
046. Soccer or Baseball? soccer

CURRENTLY:
049. Eating? none
050. Drinking? none
052. I'm about to? answer this question
053. Listening to ? ingay sa paligid
054. Plans for today ? ligawan si kwan
055. Waiting for ? a miracle

YOUR FUTURE:
058. Want kids? yes
059. Want to get married? yes
060. Careers in mind ? website developer

WHICH IS BETTER WITH A GIRL/BOY:
068. Lips or eyes ? eyes and lips
070. Shorter or taller? tama lang
072. Romantic or spontaneous ? Spontaneous!
073. Nice stomach or nice arms ? sa babae nice stomach
074. Sensitive or loud ? Loud
075. Hook-up or relationship ? ha?
077. Trouble-maker or hesitant ? depends on the situation

HAVE YOU EVER:
080. Lost glasses/contacts ? yes. Once
081. Ran away from home ? i planned pero di ko tinuloy.
082. Held a gun/knife for self defense ? di pa nangyari

083. Killed somebody ? something.
084. Been Heart-broken ? yup
085. Been arrested ? nope at wala akong balak mabilanggo

087. Cried when someone died ? no

DO YOU BELIEVE IN:
089. Yourself ? oo
090. Miracles ? oo naman
091. Love at first sight ? yes pero hindi love ang tawag dun. Admiration.
092. Heaven ? yes
093. Santa Claus ? hell no
094. Sex on the first date ? depende kung gusto nya
095. Kiss on the first date ? yes

ANSWER TRUTHFULLY:
097. Is there one person you want to be with right now ? oo
098. Are you seriously happy with where you are in life ? nope.
099. Do you believe in God ? yes
100. Post as 100 truths and tag 25 people: ha? tanong ba to?

Monday, March 23

Pacquiao, Pa-cute, Paksiw

Akala ko matutuloy na talaga yung pagbabalik-ABS ni Manny Pacquiao noong naglabas siya ng statement sa TV Patrol noong nakaraang Miyerkules na ABS na raw ang kanyang bagong media partner para sa laban niya kay Ricky Hatton at sa mga susunod pa niyang laban.

Pero makalipas lamang ang dalawang araw, naglabas muli si Pacquiao ng statement sa pamamagitan ng kanyang abogado na mananatili sa Solar Sports ang rights para i-broadcast ang kanyang mga laban hanggang 2011.

Nakakatawa lang dahil hindi pa malinaw kung bakit naglabas ng ganung statement si Pacquiao. Dahil kaya inalok siya ng ABS ng media support para sa darating na eleksyon? Dahil kaya nagtampo ito sa Solar dahil late na nagbayad sa kanya? O dahil walang nangyayari sa showbiz career ni Pacquiao sa GMA?

Ikaw, ano sa tingin mo ang dahilan?

: )

Saturday, March 21

Audition galore

Kaliwa't kanan ang auditions para sa mga reality shows ng dalawang higanteng TV Networks sa Pilipinas. Ang PBB ng ABS at Survivor Philippines ng GMA.















Ang
nakakatawa pa, pati PDA nagpapa-audition na rin ang ABS! E diba iisang lugar lang naman yung ginagamit para sa PBB at PDA? Anong gagawin nila doon? Madaliang renovations?

Mukhang desperado nga ang ABS na matapatan ang Survivor ng GMA. Kasi sa pagkakatanda ko, nagpa-audition na dati yung PBB. Panahon pa nga yun nung Fear Factor e. Ano na nga palang nangyari dun? Nabalewala lang?

Hay naku, kahit kailan. Di na natinag ang magkabilang estasyon para pataubin ang kalaban.

: )

Nakaw kay Malaya!

1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony?
- Dahil sa traffic. Yan naman ang walang kamatayang dahilan ng mga katulad kong madalas ma-late pag Lunes noon.


2. Anong fave mong bilhin sa canteen?
- Nung Elem: Walang kamatayang Tang, Slush Puppy na flavored rootbeer, bubblegum and orange, Burger, At french fries na barbeque, cheese at sour, cream 'n onion ang flavor.
- Nung HS, kahit ano basta may kanin.



3. Na-guidance/principal's office ka na ba?
- Muntik na. Basta tungkol yun kay Julius, nung 1st year.


4. Sinong fave teacher mo?
- Maam Osang, Sir Manrique, Mrs. Mau, Sir Solis, Sir Ramirez, and many more!


5. Sinong HATEST teacher mo nmn?
- Si kwan... Si Maam Mari... Ay! I almost said Maam Mariñas!


6. San ka usually tumatambay? y?
- Sa labas ng classroom, canteen, o kaya sa white plains. La lang. Gusto ko lang


7. Nakakahiyang pangyayari?
- Marami. Ayoko nang isa-isahin.


8. Most memorable in HS:
- Marami rin e. Both good and bad. Nandyan yung Westin. Pinakamakulay at pinakamasaya siguro nung 4th year dahil nandun din yung Lotus. (background: Dahil para sa'yo... Ako'y magbabago kahit mahirap... Kakayanin ko...)


9. Varsity?
- Wala. Di ako athletic e.


10. Sino una mo nakilala sa high school?
- Edi yung mga ka-batch ko nung Grade 7!


11. Sinu-sino mga kabarkada mo noong HS?
- Malaya, Rodney, Tim, Joel, Carlo, Romarc, Franq, David Dery, Capt. Bakat, Kevin, Nicolai, and many more!


12.may Nami-miss k b ngeon??
- Syempre naman. Di nawawala yun.


13. Ilang beses mo nang nawawala ung ID MO?
- Once. Pero naibalik naman. Kumpleto ID ko nung HS.


14. Favorite teacher's quotable quote?
- Eto rin: "YOU! YOU! AND YOU! THE BOTH OF YOU! I WANT TO SEE YOUR MOTHER, AND YOUR FATHER, AND ESPECIALLY YOUR PARENTS! TOMORROW! RIGHT NOW!
- anonymous teacher

- At acceptable ba yung "BORN TO LOVE" at "ONLY YOU"?
- Sir Manrique


15. Most unforgettable persons? Why?
- Westin Boys! Lotus Boys! (background: Dahil para sa'yo... Ako'y magbabago kahit mahirap... Kakayanin ko...)


16. May yearbook kayo?
- Me ganon?


17. I-describe ang mukha mo sa huling grad pic mo..
- Pilit na ngiti at magulong ayos ng buhok kaya hindi ko pinamigay.


18. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
- Nung elem: ice cream, teks, jolen, at kung anu-ano pang aksaya sa pera.
- Nung HS: kahit anong mangunguya. Minsan sumasama rin ako kila Malaya doon sa tindahan nila Maam Osang.


19. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
- Sabi nila meron raw. Sabi rin ni Monica meron. Pero wala pa akong nakikitang ganun.


20. Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa projects?
- Di nawawala yun. Mahilig ako sa ganun e. Hehe!


21. Ano ang unang-una mong ginawa after classes?
- Maghanap ng kasama pauwi.


22. Ano naman ang papel mo sa rum?
- Wallflower. Ganun ata ako hanggang 3rd year e. Sabi ni Ms. Mo maingay na ko nung 4th year.


23. Favorite vendor?
- Yung nagtitinda ng taho pag umaga.


24. Kung papalitan ang color ng uniform nyo, ano?
- Light blue. Ay teka, wag na lang. Pwede na yung white and maroon.


25. Nasa Friendster mo ba yung crush mo noong HS?
- Oo naman! Birthday nya nga ngayon e! XD


26. Did you ever regret enrolling to your high school?
- One word: NO.


27. Kilala mo ba kung sino ang mga pasaway sa room nyu?
- Oo naman. Di ko malilimutan ang mga pagmumukha nila.


28. Sino sa mga ka-batch mo ang pede sa pinoy big brother?
- Ako! Joke. Kahit sino naman e. Si Jed na lang siguro.


29. pinaka cute sa room nyu?
- Si Jamie!


30. Sino ang favorite love team sa room mo ?
- I must agree with Malaya, kahit di ko sila classmate nung 4th year: Fruto-Samonte.


Ayos!

: )

Wednesday, March 18

Lokohan

Mainit na balita sa mga news programs sa radyo at telebisyon ngayon ang biglaang pagbaligtad ni "Nicole" sa kanyang testimonya ukol sa rape case nito laban kay Daniel Smith. Sa statement na nilabas kahapon, binawi na ni "Nicole" ang mga nauna niyang salaysay at ngayon ay sinasabing hindi naman raw siya ni-rape. Ginusto niya rin ang nangyari.

Sabog lang talaga siguro siya noong nagsampa siya ng kaso. Magsasampa ka ba ng kasong rape kung ginusto mo yung nangyari?

Nakakainis lang dahil matagal na pala tayong niloloko ng "rape victim" na ito at mukhang pera lang naman ang kanyang habol. Matapos ang lahat ng tulong na naibigay sa kanya ng ilang grupo at indibidwal para manalo sa kaso ay ito lang pala ang isusukli niya?

Mahiya ka naman sa balat mo.

Sana alam mo kung hanggang saan umabot ang laban na nagsimula dahil sa katangahan mo. Paano pag naulit ito? And this time, totoo na. Sa tingin mo agad kaming maniniwala? Nagtanim ka na ng pagdududa sa isip ng mga tao. Mas lalong walang mangyayari sa ganitong mga kaso.

At paano na si Daniel Smith? Masasabi pa ba nating may kasalanan siya? Siguro ang tanging kasalanan lang niya ay maling babae ang na-pick-up niya noong gabing yun.

Kasalukuyan ngayong nasa Amerika si "Nicole" at nagpapa-rape sa lahat ng makitang kano.

Joke.

Nicole, Gago ka ba?

: (

Monday, March 9

Saturday, March 7

2, 1, 0

Two days before the first reunion concert of the Eraserheads on August 30, Ely Buendia's mother died of cardiac arrest.

Now, a day before the second (and said to be the last) reunion concert, Francis Magalona died of acute myelogenous leukemia.


Francis Magalona
October 4, 1964 - March 6, 2009

: (

photo from PEP

Thursday, February 26

Futurama

Naniniwala ka bang may Future? Yung tipong kapag nag-time machine ka e may makikita kang "Future"?

E yung Past? Naniniwala ka bang maaari pa itong balikan?


Ako, hindi.

Naniniwala ako na walang Future at wala ring Past. At kahit kailan ay hindi maiimbento ang time machine.


Pero pangarap kong sumakay sa time machine.

Napanood nyo ba yung
The Time Machine? Astig yun. Kahit nagawa niyang bumalik sa nakaraan, hindi niya nabago ang kapalaran ng kanyang minamahal. At nang sinubukan niyang pumunta sa hinaharap, kakaiba naman ang kanyang nadatnan.

Kung may Past man, alaala na lang yun. History. At kung may Future man, nakasalalay sa iyo kung anong magiging itsura nito.

Pero sana nga may time machine.

: )

Monday, February 23

Prison Break's last season

Nag-chat kami kanina ni Joel at napag-usapan namin ang tungkol sa 24 at Prison Break. Nasabi ko sa kanya na last season na ng Prison Break yung current season nito at hindi sya agad naniwala. Kaya naman naghanap ako ng article na magpapatunay sa sinabi ko sa kanya, at buti na lang nakahanap ako.

Sa mga nanonood ng Prison Break, siguro alam nyo na 'to, pero sa mga hindi pa, basahin nyo na lang...

Prison Break is going to that great, big slammer in the sky: Fox has announced that its once-signature drama will end its four-season run later this year. Exec producer Matt Olmstead tells EW exclusively that there was ''nowhere to go beyond this season,'' adding that he ''didn't want the show to become a parody of itself.'' Ratings-wise, the decision was easy since viewership is down 22 percent from last year. Luckily, fans will get some closure. Break returns April 17 to air its remaining six episodes. Michael and Lincoln (Wentworth Miller and Dominic Purcell) will finally catch a break -- at a huge cost -- in May's finale. Says Olmstead, ''There will be deaths.'' But since Fox extended Break's 22-episode order by two hours earlier this year, that ''finale'' may not even be the show's last gasp. Olmstead has filmed a couple of extra segments that he says ''address a couple of other storylines [and] can play as a standalone [movie].'' What's more, there are rumblings that Break might get a stay of execution under somewhat different circumstances. Explains exec producer Dawn Parouse, ''I would love to do a show about a women's prison. It would have to be a fresh start -- if not by us, then somebody.''

Galing ang article na ito dito.

Sabagay may point naman sila e. Wala nang patutunguhan kung magkakaroon pa ng bagong season. Ang pangit naman kung makukulong na naman sila. At kung hindi naman sila makukulong, dapat palitan na nila yung title. Sayang nga lang.

Why do all good things come to an end?

: (

Sunday, February 22

Tsambahan na!

Mahaba na naman ang pila sa mga lottohan ngayon dahil ang P288,146,473.20 na jackpot prize noong nakaraang Huwebes ay hindi na naman nakuha!

At dahil dito, posible umanong umabot sa P230 Million (ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas) ang jackpot prize sa gabing ito! Hayup talaga!

Sana manalo ako...kaso di naman ako tumaya...

: )

Wednesday, February 18

Pila-balde

Nakita nyo ba ang pila sa mga lottohan kahapon? Ang galing no? Parang manonood ng concert ko. Pipila rin sana si Mama para tumaya kaso sa sobrang haba nung pila, di na sya pumila.

Umabot na kasi sa P239,242,111.20 ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 kahapon at fortunately, walang nanalo. Ibig sabihin, may pag-asa pa akong manalo sa susunod na draw kung saan inaasahang aabot sa P260 M ang jackpot prize.

Sya nga pala, ang lumabas na combination kahapon ay

07 - 10 - 12 - 16 - 39 - 47

: )

Friday, February 13

HAPPY VALENTINES! from Mayor Buwaya

January pa lang ay nagkalat na ang mga tarpaulin ng mga politiko't trapo sa iba't-ibang panig ng pader at kable ng kuryente na bumabati sa lahat ng "HAPPY VALENTINES!" at sa ibaba nito'y ang pangalan ng buwayang nagpakabit nito.

Wala namang masama sa pagbati nila. Pero kung paano nila ginawa ang pagbati, meron. Hindi naman bobo si Juan dela Cruz para malamang nagpapapansin na ang mga tarpong ito dahil sa susunod na taon ay eleksyon na naman.

Naalala ko tuloy noong panahon ng Pasko, nagkalat ang mga Christmas tarps ni Alfred Vargas. Itaga nyo sa bato, tatakbo yang mokong sa eleksyon.

Pero hindi dyan nagtatapos ang pagpapapansin ng mga politiko. Pagdating ng March, asahan na ninyo ang mga "CONGRATULATIONS, GRADUATES! from Mayor Buwaya"

Ang buhay ng politiko ay masayang tunay, masayang tunay, masayang tunay. Ang buhay ng politiko ay masayang tunay. Masayang tunay.

Hay.

: (

Thursday, February 12

Facebook na pala ngayon

Ayon sa nabasa ko kani-kanina lang, Facebook na pala ngayon ang "most-visited social networking website" sa mundo ng kabihasnan.

Forget Friendster.


Pero wala akong Facebook account kaya no comment ako.

Kung gusto nyo mabasa yung article, JUST CLICK HERE!

: )

Tuesday, February 3

Big winners of the 2009 Australian Open


Mens Final

Rafael Nadal (1), Spain, def. Roger Federer (2), Switzerland, 7-5, 3-6, 7-6 (3), 3-6, 6-2.

Womens Final

Serena Williams (2), United States, def. Dinara Safina (3), Russia, 6-0, 6-3.

: )

Wednesday, January 28

Basketball, wala na talaga sa SEA Games

Opisyal nang wala sa listahan ng mga larong pagtatagisan ng lakas sa nalalapit (actually malayo pa) na 25th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa Laos.

At dahil 25th SEA Games ito, napagpasyahan ng Laos Olympic Committee na tanging 25 sports lamang ang ihahanda nila sa darating na Desyembre. At hindi kasama dito ang paborito ni Juan dela Cruz na basketball.

Ang mga sports na isasalang sa 25th SEA Games ay ang mga sumusunod: aquatics, archery, athletics, badminton, bowling, boxing, football/futsal, golf, handball, judo, karate-do, muay, petanque, pencak silat, sepak takraw, shooting, shuttle cock, snooker and billiards, table tennis, taekwondo, tennis, traditional boat race, volleyball/beach volleyball, wrestling and wushu. Walang basketball.

Teka, ano ba yung pencak silat?

: )

Friday, January 23

Wala ka bang natanggap na joke ngayon linggo?

Natural lang yun dahil sira ang phone ko. Oo, Malaya, yun mismo. Nasira ito nung Sunday. At wala pa akong pera para ipaayos ito. Nakikisaksak nga lang ako sa kapatid ko e!

Kung kailan ulit ako makapagkakalat ng lagim, hindi ko pa alam.

: (

Monday, January 5

Naruto Chapter 430: Naruto's Return


Page 1 at 2-3 lang ang kinuha ko kasi yun lang ang may kulay, black ink na yung ibang page.

Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan ang mga eksena, sorry pero hindi ko sasabihin ang dahilan. Ang masasabi ko lang ay sira na ang Konoha. Pero kung gusto nyo talaga malaman ang istorya, JUST CLICK HERE!

: )