Naiinis ako pag nakakakita ako ng mga taong "emo" dahil ang sakit nila sa mata.
Itim na itim mula ulo hanggang kuko sa paa. Ang masama pa nito, karamihan sa kanila, maitim rin ang balat.
Hindi ko alam kung bakit may mga "emo" na tao. Kahit gusto kong irespeto ang kanilang pinaggagagawa, hindi naman karesperespeto ang mga itsura nila. Itim na damit, masikip na pantalon, buhok na maikli pero may mahabang bangs, at syempre ang walang kamatayang chucks. Ang pangit tingnan.
Pagdating naman sa "emo" music, hindi rin ako natutuwa. Parang laging pinagtatakloban ng langit at impiyerno ang tema ng kanilang musika. Pinakasikat dito sa bansa ang bandang Chicosci. Sa tuwing sila nga ang nakasalang sa Myx, nililipat ko agad. Sabi nila, "emo" rin daw ang My Chemical Romance. Pero sabi dati sa isang interview na narinig ko sa radyo, hindi raw sila "emo" dahil...ewan. Ang alam ko, rock band sila. Basta, hindi raw sila "emo" but still, idol pa rin sila ng mga "emo" dito sa bansa.
Hay, nakakainis. Bakit kasi ang hilig ng mga Pilipino sa mga maka-kanluraning bagay? Ayaw ba nila ng sariling atin? Yung mga tipong... teka... alam ko meron e... shet, wala akong maisip, wala nga bang original sa Pinas?! May OPM nga e namantyahan naman ng kung anu-anong ewan! A EWAN! Ay teka, "emo" pala ang topic dito...hehe...sorry...nabigla lang!
Yung mga may ayaw sa "emo" dyan itaas ang kamay!
(taas kamay)
: )