Nakita ko yan sa isang dyaryo. Ad ng sigarilyo. "Enjoy the Good Life" raw e mamamatay ka nga sa yosi.
See how ironic?
: )
Nakita ko yan sa isang dyaryo. Ad ng sigarilyo. "Enjoy the Good Life" raw e mamamatay ka nga sa yosi.
See how ironic?
: )
Sa buhay ng isang high school student, JS Prom na ata ang pinaka-highlight ng kanilang high-school life bukod sa Graduation. Isang beses ka nga lang naman ga-graduate sa high-school. Dalawang beses mo itong dadaanan. Masaya, at higit sa lahat, exciting.
Sa'min sa JASMS dati, kung ikaw ay Junior, trabaho niyong ayusin ang lahat. Gagastos ka ng libu-libo para sa isang gabi. Contributions ang tawag dun pero hindi mo maituturing na contri dahil required. Uupo na lang yung mga Seniors kasi syempre, dinaanan na nila yun. Sa Seniors ka rin kukuha ng date. At depende sa dami, malamang 3 kayo. Isang babae, dalawang lalake. Treesome. Joke.
Pagdating ng mismong party, pabonggahan ang lahat ng mga dilag. Syempre dilag. May nakita ka bang lalaking nagsabing "Ang ganda ng coat ko! Pinatahi ko yan!" o kaya "Mas maganda coat ko sa'yo!" Apat hanggang limang oras tatagal ang party, o kaya up to sawa sa iba. Big time ang pagkain. Bottomless ang ice tea. Rock en Roll hanggang umaga.
Panahon ngayon ng Prom. kaya naisip kong magsulat. Ewan ko ba kung bakit nagkaganyan. Basta gusto ko lang magsulat.
Nami-miss ko lang siguro ang high school...
: (
May kaibigan kasi akong nagngangalang Pam na nangangailangan ng mga sasagot sa mga survey raw ng grupo nila sa specially-made Friendster account nila.
patatas_ako_dati@yahoo.com ang email add nila at sana, i-add nyo ito. Maraming Salamat sa magmamagandang loob na mag-add!
Ingat na lang and God Bless!
: )
Alam nyo ba yung bagong commercial ng Biogesic? Yung nandun sa John Lloyd na nakaupo lang? Oo, yun. Pero wala akong pakialam sa kanya. May ipapakita lang ako sa inyo...
Pag nakita nyo ulit yun, tumingin kayo sa bandang kaliwa (kanan ni John Lloyd) at may makikita kayong kalapati. Kalapati na sinusubukang uminom ng tubig hanggang matapos yung commercial.
Wala lang. Nakakatuwa lang. Ang cute nung eksena e. Isip ko nga, nakainom kaya yung kalapati?
: )
Ngayong tapos na nga ang strike ng Writers Guild of America (WGA), maraming nagtatanong kung maibabalik na nga ba ang regular na programa sa telebisyon. At isa ako dun. Hinihintay ko kung kailan ilalabas yung 24 Season 7 at new episodes ng Heroes at Prison Break dahil naputol yung huling dalawang nabanggit.
Teka...
Shet!
Tae!
Totoo ba to?!
O HINDE!
Kagagaling ko lang sa Wikipedia at nabasa kong ide-delay pa raw ng FOX hanggang January 2009 yung Season 7 ng 24 kahit tapos na yung WGA strike!
Bilang patunay, may nahanap akong article ukol dito para maniwala ka sakin.
o0o---o0o---o0o
Galing dito: http://tv.msn.com/tv/article.aspx?news=300971>1=7703
One fallout of the Hollywood writers strike is that fans of Fox's drama "24" have to wait until next January to see Jack Bauer again.
The network has committed to air a full season on consecutive weeks and had been planning to start last month. If it had started airing new episodes soon, the season finale would not have taken place until the summer, when TV networks rarely show their high-profile programs.
Even though eight episodes for this season had already been filmed before the beginning of the writers strike, producers would have had to ramp up production soon to complete the season.
So "24" represents this television season's most prominent casualty due to the writers strike.
A January 2009 start seemed the best way to comply with viewers' wishes that a season's episodes run without interruption to conclusion, Fox said on Thursday.
o0o---o0o---o0o
At kung totoo yan... O HINDE! BAKEET?!
NOOOOOOOOOOOOOO!!!!
: (
Yan ang nasabi nung kapatid kong babae nung muli nyang napanood yung latest ad na Frenzy Condoms.
Oo nga naman, sino nga namang hindi maloloko ng makulay nitong anyo. Iisipin mo nga namang isa itong candy dahil na rin sa nakakaakit nitong kulay. Parang ang dating, open to all.
: )
Fully-booked ang mga motel!
Fully-booked ang mga hotel!
Puno ang mga restaurants!
Puno ang Luneta!
Nagkalat ang bulaklak!
Nagkalat ang condom!
HAPPY VALENTINE'S SA INYO!
: )
Malapit na nga nating malaman kung sila Marc and Rovilson nga ang mananalo sa Amazing Race
May nga naririnig na rin akong chismis sa kung sino ang nanalo pero hangga't hindi lumalabas ang resulta e di pa pinal yung chismis.
"ONLY 3 TEAMS REMAIN" sabi nung website. Sino kina Marc and Rovilson, Adrian and Collin, at Vanessa and Pamela ang unang aapak sa final pit stop?
Abangan!
: )
Naaalala nyo pa ba yung entry ko noon tungkol dun sa ipapalit sa Magpakailanman? Pinangalanan na pala ito, ang "ESP" na hindi ko alam ang ibig sabihin. Baka "Extra Super Show" diba?
Anyway, nung nakita ko yung trailer, mala-Ghost Whisperer ang dating nito lalo na yung may butterfly pa sa tabi. Sa tingin ko, nasindak sila dun sa "Patayin sa Sindak si Barbara" kasi kahit maikli, maganda ang pagkakagawa at tagos-sa-buto yung special effects, di tulad nung LaVandera, ang pangit. Kaya gumawa ulit sila. Pareho nga lang.
May mga eksena na akong nakita dun sa show at as far as i can say, 'sing pangit pa rin sya nung LaVandera.
Ewan ko sa kanila. Gagawa-gawa ng horror e ni hindi man lang nakakasindak. Nakakaantok.
: (
Magpasahanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabihin nung letter "N" dun sa Nseries. Sa ngayon kasi, usung-uso yang mga ganyang unit ng cellphone. Kung anu-ano ba naman ang features. Kulang nalang toothbrush.
Pero wala akong balak bumili nyan. Promise. Naisipan ko lang gumawa ng blog entry baka sakali e may makapagsabi sa akin kung ano yung "N" dun sa Nseries.
Ikaw? Alam mo?
: )