Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Wednesday, December 26

Si Siopao

Last week, nakatanggap ng laruang itim na pusa yung kapatid ko. Sapilitan kong inangkin yung stuff toy at pinangalanan kong Siopao.

May hawak na puso si Siopao na may nakasulat na 'LOVE", at ayon sa nakasaad ay may balat sya na 84% nylon at 16% Spandex at may laman itong 100% Polystyrene beads, for short, styro.

Madalas kong gamiting panggulo si Siopao kila Princess at Sputnik (mga aso namin) pero hindi naman nila ito pinapansin, inaamoy-amoy lang. Hindi sila naniniwalang pusa si Siopao dahil na rin siguro sa hugis-siopao nga ang ulo nito.

Yan si Siopao. Ang instant pusa namin.

: )

Wala, walang reserve-reserve!

Yan yung madalas sabihin nung isang matanda sa simbahan noong Simbang Gabi. May punto naman sya kasi dapat nga naman e first-come, first-served sa upuan. Pero hindi mo nga naman maiiwasan na mag-reserve dahil may kapamilya ka rin gusto mong paupuin.

Pero kinabukasan, nakita naming may ni-reserve na dalawang upuan yung matada sa harap namin. May pinaupo sya bago magsimula ang misa.

Akala ko ba walang reserve-reserve?

: )

Nakakasawa na si Inday

Hanggang last week ay nakakatanggap pa rin ako ng mga "Inday jokes" sa text at hindi na ako natutuwa dito. Nakakasawa na. Seryoso.

Tapos, napag-alaman ko pa na meron din palang english-speaking Inday dun sa Zaido at nung minsang nadatnan kong nanonood yung kapatid ko e nakita ko ngang may katulong na nag-e-english doon. At tauhan pa pala ito ng mga kalaban. Diba nakakainis?!

Bad trip.

: (

Tuesday, December 18

"A Prirority Project of HOA Phase 1"

Yan ang nakalagay dun sa isang karatula sa dulo ng street namin.

May napansin ka bang kakatwa? Kung wala, basahin mo ulit yung title.

Ano? Nakita mo na? Nakakainis diba? Hahaha!

: )

Ang Asian Idol at Pinoy Idol

Nabigong maiuwi ni Mau Marcelo noong nakaraang Linggo ang titulong Asian Idol dahil yung taga-Singapore ang nanalo sa patimpalak na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Samantala, tuloy na nga ang Pinoy Idol sa GMA. Ewan ko lang kung isasabay nila dun sa American Idol 7 dahil sa January 2008 na ang airing nito. Oo, mukhang inagaw rin ng GMA ang pagpapalabas ng AI sa ABC5 dahil nakakakita ako ng commercial ng AI7 sa Qtv. Isa pa, hindi raw kikilalanin ng GMA si Mau Marcelo bilang kaunaunahang Pinoy Idol, which means Season 1 ulit yung gagawin ng GMA.

Hay, kawawang Mau. Anyway, alin kaya ang mas mabenta next year, PDA2 o Pinoy Idol?

: (

Ha? Totoo ba to?

Sa aking paglilibot sa mundo ng kabihasnan ay natagpuan ko itong paragraph na ito sa Wikipedia. Ire-remake raw ng GMA yung Darna at hulaan nyo kung sino ang bida?

Si Marian Rivera.

Eto yung nakalagay:

The 2008 Remake

"Because of Angel Locsin's decision on leaving GMA Network, the network removed all remembrances that she left including her picture of being Darna. Ms. Wilma Galvante decided to remake Angel's trademark to the mass, the Darna role. Many artists was being considered but Marian Rivera have 30% of getting the role. Marian Rivera who is slated to reprise the role, admitted to star in all GMA Telebabad Shows to continue the MariMar Fever because she is good in copying acts like what she did on the telenovela of Thalia.."

Ginawa kong Bold yung interesanteng nabasa ko. Tama naman diba? Mukhang mabubuhay nga sya sa Showbiz sa kare-remake ng mga pumatok na programa. Balita ko gagawa rin daw sila ng Rosalinda.

Sunday, December 16

"Ibato mo yung pusa!"

Nung isang araw, habang ako'y nag-iigib ng tubig ay narinig ko yung malayong kapit-bahay namin na sumisigaw.

"Anak! Wag mong paglaruan yung pusa! Mamamatay yan!"

Tiningnan ko naman kung nasaan yung bata at nakita ko ngang may hawak itong kuting. Pero bigla akong natawa nang muling nagsalita yung ina.

"Ibato mo yung pusa!"

LOL. Mas mamamatay ata yung pusa pag binato mo e! Haha!

: )

Bagon show ni Pacquiao, di na bago.

Tama. Yung Pinoy Records. Bago kasi yun ay may Pinoy Records na sa ABC5 hosted by Benjie Paras, segment ata yun nung tinagalog na Guiness World Records blah blah...

A, basta. Peke yun. Ayun din sa nakita kong ratings nun, hindi naman ganun kataas.

Hay, pag hindi talaga boxing, walang kwenta si Pacquiao.

: )

"Hi Arthur! What's going on?"

Yan ang tanong ni Joey (Magic DJ) nang may tumawag para bumoto sa Top 5 @ 5 noong isang Huwebes. At alam nyo ba ang sinagot ng mokong? Nag-isip muna sya ng 4 seconds saka sinabing...
"About what?"
Tawa ako nang tawa! Pati yung dalawang DJ tawa rin nang tawa! Ang laking ----- naman nung tumawag! Nakakainis! Sana binagsakan na lang sya ng telepono!
: )

What?! Jessica Alba's pregnant?!

Hindi nga?! O HINDEEE!!!

Ngayon ko lang nabalitaan! Nung isang araw pa pala binalita! Langya!

...

: (

O HINDEEE!! NA-ELIMINATE SILAHH!!

Oo, medyo nalulungkot at disappointed nga ako dahil parehong bet ko sa Survivor: China at Amazing Race 12 e parehong na-eliminate sa isang linggo lang.

Kung nanonood ka, alam mo na siguro kung sino tinutukoy ko: sina Azaria and Hendekea sa AR12 at si Peih-Gee sa Survivor.

Sayang talaga. Pero ganyan talaga. Na-film na yun e so wala na akong magagawa kundi manood. Pero sayang lang talaga.

: (

Monday, December 10

Heroes Season 2, naka-11 episodes lang.

Yup. 11 lang. Powerless yung title nung huling episode so far.

So far dahil hindi ko rin naman alam kung tapos na talaga yung Season 2 o pansamantala munang nawala dahil sa strike doon ng mga writers.

Yun lang. Wala lang. Gusto ko lang isulat.

: (