Ang blog na ito ay Rated G. Ito ay puwede sa lahat ng mambabasa.

Monday, April 28

#PBBScripted

May bagong housemates na naman ang Bahay ni Kuya. Pero kapansin-pansing walang hindi kagandahan o kagwapuhan, walang mukhang adik, walang mula sa hirap, at wala ring edad 30 pataas. Ano 'to, artista search? Oo nga't may ilang pinalad na maging artista sa dating housemates pero iilan lang talaga. Pero kagabi, lampas sa kalahati ng bilang ng housemates ang maganda at gwapo. Alam na!

Dream. Believe. Survive. PBB: ALL IN.

https://www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn
Ayon sa Twitter, #PBBScripted ang naitalang number 1 trending topic sa Pilipinas mula kahapon nang tanghali hanggang sa mga oras na sinusulat ko ang blog na ito. Hindi na ako nagtaka kung bakit ganito ang tingin ng nakararami. Ang sabi kasi sa intro ng kickoff, pinagsama daw ang regular, celebrity, at teen editions para sa season na ito. Pero bakit maraming mukhang artista?

Sa mga nakalipas na cycle ng PBB, mapa-regular, celebrity o peebeebeeteens man, kahit papaano'y balanse ang bilang ng housemates base sa kanilang personal background. May anak-mayaman, may mahirap pa sa daga, may maarte, may kalog, may mahiyain, may kulang sa pansin, may commercial model, may Betty La Fea, may tambay sa gym, may tambay sa kanto, may professional, may walang modo, may malusog, may patpatin, may celebrity, may anak ng celebrity, may imported, at may mukhang naligaw ng landas. From all walks of life, ika nga. Pero ngayon, binansagan pang ALL IN ang season na ito pero parang hindi naman talaga pasok ang lahat. Hindi rin lahat ng nakapasok ay nag-audition.

Tutal, mukhang artista search naman ang patutunguhan nito, kay Vickie tayo!

https://www.facebook.com/OfficialPinoyBigBrotherAbsCbn
Nasa HOUSE A nga pala ang lahat ng mga bata, mayaman, sikat, maganda at gwapo. Wala pang laman yung HOUSE B.

: )

No comments: